Umiikot sa ilaw, nararamdaman nya ang init nito. Kumuha siya ng tubig at binuhos ito sa nagliliyab na apoy. Ang bato ay nanghina, napolbo, naging abo at usok sa sanlibutan.
Saksi ang kawayan. Malapista ang saya. Amoy pasko na ang kapaligiran. Sisig, ibang klaseng maanghang na pagkain na nanunuot sa aking lalamunan. Ang tinatagpi-tagping kahoy ay nagsisilbing upuan na bakat na bakat pa ang ugat nito. At sa saliw ng musika ay sabay-sabay na umiindayog ang mga dahon sa kawayan. Samantala ang haligi ay tayung-tayo sa kanyang kinalalagyan.
Ako ay nasisilaw sa liwanag na nanggagaling sa butas ng bintana. Tanaw ko ang liwanag na pumasok sa pagiwang-giwang na pintuan na gawa sa kawayan. Ang hangin ay maaring hindi galing sa langit o baka ito ay bunga lamang ng isang panaginip.
Gusto kong ibuhos ang aking galit sa awit at sayaw. Sa sinuman na kaya akong mahalin ay naaaninag ko ang walang pag-asa sa buhay. Ang lalaki ay hindi sigurado sa kanyang paa ganoon din ang babae.
Gusto kong takasan ang apoy, ang pagawaan ng kutsilyo, ang pagawaan ng uling. Kailangan ko rin ang tunay na pag-ibig. May karapatan ang sinuman mahalin at magmahal. Sadyang hindi lang pantay ang mundo.


