hindi

Poetry by | January 22, 2017

hindi
ko alam kung ano
ang nasa pagitan natin
noong gabing iyon
habang ginagalugad
kung saan pahihimlayin
ang mga salita

o baka naman wala
talagang nasa pagitan
katulad ng nawalang paligid
habang naghahanap
ng mga signos
sa pagitan ng sulyap
at usap

dayap
sa sugat ng ngayon
at nakaraan
ang pamamaalam

may ngiting nais
sumulyap
sa mga mata ko
subalit sinaway ito
ng mga mata mo

kilala nila ako

kapag ganito
kakorni ang simula
trahedya ang wakas
ng hinahabing
tula at kuwento.


German V. Gervacio is a Palanca award-winning author who teaches at the Filipino Department of MSU-Iligan Institute of Technology. He is the incoming representative of Northern Mindanao in the National Committee on Literary Arts for 2017-2019.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.