Panacan, Madaling-araw

Poetry, Uncategorized by | March 7, 2022

Sintahimik ng kapilya ang katayan
At walang katao-tao sa talipapa,
Ni sa mga bahay-iskwater sa di kalayuan.
Ngunit waring may nagbubukas na ng ilaw
Sa loob ng maliit na panaderya.
Sa kalsada, nakatimbuwang
Ang mga kaing ng kangkong,
Kumakaway ang yayat na mga talbos
Sa dyipning hindi dumarating,
Habang natutulog ang kargador
Sa nakatalaksang mga tabla ng lagarian.

Maya-maya, naalimpungatan ang kargador,
Nagmamadaling kinapa ang bulsa,
Astang magbabayad sa di-nakikitang tsuper –
At nagkalansingan ang mga sentimo
Sa aspaltong matinis pang naghihilik.

Samantala, bukas na ang panaderya,
At ang hininga ng umaalsang tinapay
Ay anghel na dumadalaw
Sa pinto ng mga barong-barong.

***
Si Ronald Araña Atilano ay isinilang sa Metro Manila at lumaki sa Dasmariñas, Cavite. Nanirahan siya sa Davao City noong mga taong 1997-2001. Naging kasapi siya ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) at dumalo sa UP National Writers’ Workshop sa Baguio noong 2004 at sa Ateneo Writers’ Workshop sa Quezon City noong 2006. Kasalukuyan siyang naninirahan sa Newcastle, Australia.

Usa Ka Gabiing Nakighilawas ang Manananggal

Uncategorized by | May 13, 2018

iyang gitusok
sa tunga
sa akong gabilangkad
ug mga
bus-ok nga hita
ang iyang talinis
nga bitin.

dayon,

giduso.

gibira.

giduso.

gibira.

Gidusogibiragidusogibira—

ang akong kalag
nga murag molupad.
samtang hapit na nako
makab-ot ang langit
kalit lang niya
gihulbot
sa iyang taas nga kamot
ang lagaraw sa daplin,
sa akong kalagot
sa kalami
sa kasakit
sa kakatol
sa kangilngig
nga akong nabati
ako miikyas
ug nisinggit,

“Piste! Nabilin akong hawak!”


Lyda May Sual-Lozaldo is a graduate of Creative Writing.