Low I.Q Lab Apeyr

Poetry by | December 23, 2012

Cloud 9 ang filing ko
Nang maging mag-on tayo
Dahil I crush u sinagot agad kita
Kahit kabribrik nyo lang ng dati mong syota.
Sabi ng frens ko ako’y ulol
‘di ko raw alam ang 3month rule
“ So wat” sey ko naman,
“ Hindi na uso ang ganyan.”
Kahit na tru txt lang ang ating ligawan
Ebri moment akin pa ring ninanamnam
At mas praktikal naman ang unlitxt na diyes
Kesa isang boquet ng long stem roses.
In pak, ang swit mo sa aken
Napakatotful mo at kering
“Slip tyt. Kain na u. tsupsup. Bebe ko.”
Ikaw na talaga ang aking Don Romantiko.
Lab na lab ko rin ang ating tampuhan
Kapag tayo’y may deyt at ako’y iniindyan
So kyut, apekted ka sa fb status ko
At agad-agad ititxt mo ako.
“kaya hinde ako nakarateng
Dahel may iniutos si nanay sa aken
Bebe sori hinde na mauulet
Lab kita wag ka nang magalet.”
At heto naman me sa kileg namimilipet
I always porgiv u nang paulet-ulet
I’ll txt bak “ Ok. Peace na tau bebe”
Ang swit ng reply mo, “ I lab u. jejeje.”

A Sci-fi Story on Dec. 21, 2012

Fiction by | December 23, 2012

It became imminent that a considerable number of the country’s populace expresed consternation with the infamous date of December 21, 2012. Usually addressed with dismissive sobriety in tempering alarmist inclinations, it now elicited varied reactions with some degree of precautonary preparations. The controversial date inevitably prompted discussions during gatherings as well as animated interaction among netizens, while others denied it with outright nonchalance.

Some people devised ways to addess the impending date. Employees were observed to signify vacation leave days in advance before Christmas, families and relatives booked reservations on mountain resorts for gatherings, and reunions scheduled earlier than usual as students and friends set group schedules for nature trekking or excursions. Some local authorities even circulated memorandums proclaiming the date as a non-working holiday through indirect excuses as setting it for anniversary dates of certain local personalities, events and the like to avoid it being construed as having to do with the controversial phenomenon.

Continue reading A Sci-fi Story on Dec. 21, 2012

Isang Dosenang Araw ng  Bakasyon

Nonfiction by | December 16, 2012

Taun-taon, inaabangan ng maraming empleyado ang bakasyon tuwing Disyembre. Masaya kasi. Masarap gumala. Maraming atraksyon sa paligid. Kabi-kabila ang handaan sa tahanan ng mga kaanak at kaibigan. At higit sa lahat, maraming pera mula sa bonus at 13th month pay. O ‘di ba, ang sarap lang sa bulsa!

At isa ako sa mga nasasabik na gumala. Isa ako sa mga nasasabik na gastusin ang laman ng aking ATM card. Minsan lang kasi itong magkalaman ng ganito kalaking halaga, kaya nanamnamin ko na. Isa ako sa mga nasasabik na magtampisaw sa dagat o ‘di kaya’y gumala nang gumala sa iba’t-ibang lugar. Kahit na sabihin pang dito lang sa Pilipinas, gala na ring maituturing ‘yon. Isang linggo bago ang bakasyon ay nakaplano na ang mga dapat kong gawin. Nakatala na sa aking tala-arawan ang mga lugar na gusto kong puntahan sa bakasyong ito. Labindalawang araw din ang aming bakasyon. Mahaba-mahaba rin ‘yon. Tamang-tama rin ang laman ng aking account para sa gala ko. 

Continue reading Isang Dosenang Araw ng  Bakasyon

Zero Gravity

Poetry by | December 16, 2012

gravityThe astronaut is dreaming of Earth in zero gravity.

Tucked in the weightlessness of space, he free floats

across the cabin and softly bounces against the walls.
He is dreaming of old alleyways and of older nightclubs

and of the girl he left back in the city a few million miles

away. She is lovely. It is nighttime and she is looking
at the stars, wondering what it feels like to sleep alone

in the sky. It feels like it is never morning, he would tell

her. It feels a little cold but the weather is not that bad.
The astronaut is awake. He blinks his eyes into dreams

of rain.

Walking Alone in Ilustre



Poetry by | December 16, 2012

You stand there,

fixed with an intention

as I walk with uncertainty,

looking for street lights

in this cold, dark eleven thirty air.



The damp cement casts 

small, vertical white clouds,

breathing out the day’s frustrations 

telling me it’s empty; save for some 

taxis lining up for a late catch.



Tall, intimidating walls of 

this giant we hail ‘GS’ greet

me in a nonchalant way.

And my feet carried me to its

lonely, awkwardly angled corners – 

where fixed intentions meet.



Taking a sharp turn, 

I walk towards the
almost-erased street sign.

There I stand feeling pierced

by sharp, eager eyes probing.



But then, there you are.

You with your intention, 

heading toward me.

Teatro ng Pag-Ibig

Play by | December 9, 2012

teatroTauhan:

Ming – Isang 2nd year student ng Kolehiyo de San Ignacio. Siya ang babaeng bida ng kwento. Sikat na estudyante dahil sa ganda at talino. Si Berto ang matalik niyang kaibigan.

Berto – Isang 2nd year student ng Kolehiyo de San Ignacio. Siya ang lalakeng bida ng kwento. Isang simpleng musikero. Matalik na kaibigan niya si Ming. Ngunit…

Direk – Ang director ng dulang pinaghahandaan ng dramatics club.

Mga props people – Ang mga gumagawa ng props para sa dulang magaganap.

Eksena: Ang mga miyembro ng dramatics club ay naghahanda para sa isang dula na gaganapin sa ika-14 ng Pebrero. Sila, ang mga miyembro at ang director, ay nasa loob ng auditorium. Ang stage ay di pa gaanong napaganda. Merong mga estudyante na gumagawa ng props. Sa gitna ng stage, ay mayroong babaeng nakatayo at handang mag emote

Narrator: Ang pag-ibig ay mahahalintulad sa kamatayan;
       Wala itong pinipiling oras ni kung sino ang matatamaan.
       Tulad na lamang ng kwento ngayon.

       Isang linggo, bago sasapit ang araw ng mga puso,
       sa Kolehiyo de San Ignacio,
       ang mga estudyanteng kabilang sa Socio-Teatro,
       ang dramatics club ng paaralan,
       ay naghahanda para sa “Dula ng Pag-ibig”,
       ang taunang palabas na ginaganap tuwing ika-14 ng Pebrero.

Continue reading Teatro ng Pag-Ibig

Dinnertime

Poetry by | December 9, 2012

Mama, Papa, and I
are eating in the dining room,
Mama sitting opposite papa
on the dining table.
There is only silence
but the clang of my spoon
hitting the bowl
as I stir mom’s special law-uy.
Until Mama stabs her plate with a fork
and glares at Papa
and shouts at him about a woman
named Julie.
Papa scoots from his chair
but Mama throws her glass,
exploding on the wall.
Papa tells me to go to my room
and play with Barbie
but I hide near the dining room
and hear screams shattering like the
thrown glasses and plates.
When I hear Mama’s sobs,
I frown
because dinner time is over.
And I’m a bad girl
because I didn’t eat Mama’s special law-uy.


Glyd works as a research assistant at Philippine Women’s College of Davao. He was a fellow of ADDU Writers Workshop 2010 and Davao Writers Workshop 2011.

Sa Panahon ng Internet at Cellphone

Poetry by | December 9, 2012

Ipinagbubunyi natin ang pagdagsa
Ng mga gadyet na tila infusyon
Nating ikinakabit sa ating mga ugat.
Sapagkat kundi man tayo iga
Sa tango at pansin ng mga kakilala
Ay takot tayo sa mga sandali ng ating pag-iisa.
Kinakabahan tayong manatili sa isang silid
Na istakato lamang ng ating pulso at dibdib
Ang mauulinig sa kinasasadlakang paligid.
Kaya sa halip na ang isip ay makikumpas
Makidama sa pagitan ng bawat paghinga
Pagbubulaybulay at pagkilala sa pagkatao
Ay abala tayo sa pagpindot ng mga teklado
At pagbuo ng mga niritokeng teksto’t litrato
Gayong kinakatay lamang natin ang saysay
Ng ating mga panaginip at paglalakbay ng malay.


Edgar Bacong studied AB Sociology at the Ateneo de Davao University, and now lives in Zurich, Switzerland.