I. Sir Ruel
Matapos ang apat na taong pamamalagi sa Saudi bilang OFW ay ngayon ko lang din mami-meet ng personal ang ilan sa mga taong naging bahagi ng aking virtual world. Sa Multiply at lalo na sa Facebook.
Lulan ako ng taxi papuntang UP Diliman. After lunch hours daw ay nasa nasabing unibersidad si Sir Reuel.
Naging online mentor ko siya. Isa siya sa tagabasa at nagbibigay ng mga komento sa aking mga akda. Sa katunayan, sa kanya ko unang narinig ang salitang ‘dagli’. Na ayon sa kanya, ang uri ng aking mga piyesang may anyong naratibo, mas maiksi pa sa maikling kuwento, o mas malapit sa vignette ay nasa pormang dagli. Flash fiction kasi ang nakasanayang itawag ko sa mga blogs ko noon. Doon kami nagsimulang magkaugnay bilang isang baguhang manunulat at isang itinuturing na mentor sa panulat.
Sinipat ko ang aking relo de pulso. Tamang-tama ang oras ng aking pagbisita. Tila isa akong anak na matagal na nawalay sa kanyang ama. Nag-aalangan sa maaring sasabihin nito. Nag-aalala sa maaring kahinatnan ng aming pagtatagpo.
Continue reading At Kumbakit Ko Minahal Ang Pagsusulat ng Dagli (Part 1 of 2)
Two days before I was to leave for Palawan to join the first Adverbum Writers Retreat in Palawan, a 7.2 magnitude earthquake hit Central Visayas at past 8 in the morning. Soon after, social network newsfeeds were filled with initial images of the destruction it wrought. Later, television news programs provided more details. It broke my heart to see the ancient Baclayon and Loboc churches destroyed, but even more distressing were the number of human casualties. The earthquake was also felt in Davao City, but to a lesser extent, and with no reported damage. Still, I couldn’t help but feel anxious to leave my two children for a week to do something entirely for myself.