Kakang kaawa-awa.
Kalangita’y kulimlim.
Kokoteng kakalabasa.
Kakapa-kapa sa dilim.
Kakantyawan ng kaklase,
ng kakamoteng kokote.
Kapagka’t kinakapos,
Kung quiz pulos kutob.
Kinukulang sa kain,
Si Kaka kapag klase.
Kaya kung siya’y kutyain,
Kakang kakalimot e.
Kakang kakalimutin,
o Kakang kakalimus din.
Ang kinsenas ni Ka Tunying,
Sa kuryente palang kukulangin.
Sa kuko’t katam nakaasa,
ang kontraktwal na ama.
Ang kinsenas ay katiting.
Si Kaka’y `nong kakainin?
Kukulog-kulog ang kalamnan.
Kinakalawang na kaalaman.
Kahabag-habag na Kaka
Di makain ang kamote’t kalabasa.
—
Born in Davao but raised in Gensan, Mark Arlo H. Segundo is a Medtech student from UIC.