lamok

Poetry by | January 12, 2026

maingay ang lamok sa
labas ng kulambo

tinatangkang pasukin ang
kalayaan sa loob

alam niya ang nakaambang
panganib

pero nagpupumilit pa rin
siyang pumasok

para lamang makasipsip
sa katawang humihilik

dahil kung habang buhay siyang
mananahimik

walang mangyayari.


Si John Rey T. Gaballo ay nilalang na inukit sa pusod ng lungsod Heneral Santos. Nag-aaral siya sa Mindanao State University- General Santos City (MSU-Gensan). Nagsusulat siya ng mga tulang umiikot sa sarili, karanasan, at pagwasak sa nakasanayan.

Almusal ni Gabriela at ng mga Kababaihang Hanggang Ngayon ay Hinahanap pa

Fiction by | January 12, 2026

Noong dekada sitenta, ang almusal ni Gabriela ay walang iba kundi itong tatlo: pastil na may matigas pang bigas, tinapay na umuusok sa init na para bang sigarilyo, at kapeng itim na itim na pilit pinapatamis ng gobyerno gamit ang propagandang pasista sa dila ng mga tao. Ito ang kanyang mga pantawid-gutom sa panahong mas pamilyar pang pag-usapan sa hapag kainan ang mga kasamahan niyang isa-isang nawawala kesa sa pagkaing nakahanda.

Paano nga ba sisimulan ni Gabriela ang araw niya? Paano nga ba kung sa lansangang kay tagal niyang pinainit gamit ang bukal niyang pagkilos para maihain ito sa lahat ay mayroon pa ring kumakalat na mga matitigas na butil na may dalang armas? Saan niya ilalagay ang inaasam-asam na pastil at katarungan kung walang espasyong hindi nilapastangan ng mga berdeng butil na ito? Paano niya nga ba simulan araw niya, kung iniisip niyang mas mabuti pang may bangkay siyang maibalot sa dahon ng saging kesa habang buhay siyang maghanap ng mga nawawala niyang kasamahan na hindi naman kinikilala ng mga gobyernong talaan?

Masarap ang pastil, oo, pero mas masarap ang buhay na kung saan ay hindi ka dinidikta ng sistemang mas piliin pang pumatay kesa umamin ng sala. Masarap din ang tinapay.

Mas masarap talaga ang tinapay pag ibinabahagi, at siyempre kung mainit pa. Sa kabilang kanto bumibili ng tinapay si Gabriela. Lumalakad siya sa panaderya na sa isip niya sa pagbalik niya ay mauuwian pa siyang pamilya. Matuwa siyang nakadating sa panaderya, matuwa din ang panadera na nakadating siya na hindi hinaras at pinagpyestahan. Madalas na kasi sa bayan nilang may mga sundalong hindi ginagamit ang mga babae para makipag-usap lang.

Noong umuwi na si Gabriela, hawak hawak ang papel na supot na may munting usok, napansin niya ang lamesa ay napuno lamang ng kahungkahan. Ayun pala, inakusahan na ang kanyang asawa bilang isang rebelde. Hinanap siya ni Gabriela. Hinanap at hinanap hanggang hindi na mainit ang tinapay. Malipas pa ng ilang taon mapagtanto ni Gabriela na hindi na maibabalik ang kanyang asawa, at hinding hindi na magagalaw ang tinapay sa lamesa.

Mayroon pa namang kape. Gusto ni Gabriela ng kapeng maitim. Maitim-itim para hindi mawala sa isipan niya ang pait ng buhay na kanilang dinadanas sa pamamahala ni marcos. Isang wilig ng gutom, isang kutsara ng korapsyon, at dalawang dekadang pag-aabuso ng mga karapatang pantao at kalayaan. Minsan, ang tubig niya ay ang dugong hindi dapat inalay ng kanyang mga kasamahan. Ito ang tinitimpla ni Gabriela tuwing umaga sa kanyang munting tinitirahan. Nilulunok niya ito araw araw sa pag-aasam na mapapawi nito ang kanyang gutom pero mas lalong sumasakit ang kanyang tiyan. Patuloy itong kumukulo sa gutom para sa hustisya, at uhaw na uhaw na rin siya para sa rebolusyong magbabago sa landas ng bansa niya.

Hindi dito nagtatapos ang almusal ni Gabriela. Ang iba nga, hindi na talaga nakakapag almusal. Maaaring sila ay dinakip, inaresto, hinaras, hinubad, o pinatay. Ang pinakamasaklap, sa sobrang daming kababaihang binaboy sa panahong batas militar ay hindi na sila kinikilala at sinasali sa bilang. Madalas sila ay kinakalimutan nalang. Kahit maging numero nalang ay pinagkait pa sa kanila.

Mahirap na silang mapangalanan at mahirap na ring sikmurahin ang almusal. Kahit na sa panahon ngayon ay mas nakahanda at mas may laman na ang lamesa, mas mabuti pang pag usapan natin sila. Sila na mga babaeng Mindanao, mga babaeng Gabriela, mga babaeng hanggang ngayon ay hinahanap pa.

Mahirap na, isang marcos ba naman ulit ang padre de pamilya.

Iha, mag-aalmusal ka pa ba?


Henri Marie C. Belimac is a budding writer and filmmaker from General Santos City with a father from Glan, Sarangani and a mother from Tantangan, South Cotabato. She was a fellow for the 21st Ateneo National Writers Workshop, and Film Development Council of the Philippines x Filipino Screenwriters Guild Screenwriting Workshop – Davao Leg. She is also currently a student of BA English (Creative Writing) at UP Mindanao, and she believes that the arts should always serve the people.

Madonna and Child

Poetry by | December 22, 2025

They looked at each other
and kissed each other’s cheeks.
Peace be with you.
Their eyes were beaming with love.
His hand wrapped around the other man’s waist
as they sang the hymn.
Lamb of God, have mercy on us.
The mother caught her son staring at them.
Lamb of God, have mercy on us.
She gently tugged her son closer to her.
She kissed him on his forehead
and whispered,
Isn’t love a beautiful thing?
He nodded and joined the chorus.
Lamb of God, grant us peace.
The air in the cathedral felt cool.
The angels carved on the ceiling
finally free.
The saints praising His glory.
And him, crucified with his own cross,
was relieved from agony.
The mother wiped his son’s swelling eyes
as he sniffled and kissed his mother’s cheek.
To love is never a sin, his mother said.


John Gilford A. Doquila is a graduate of the BA English (Creative Writing) program of UP Mindanao. Presently, he’s teaching in one of the IB World schools in Kuala Lumpur, Malaysia. 

Fireflies

Poetry by | December 22, 2025

We barely see fireflies now.
But here in the city, they’re everywhere.
They are the colorful logos of fast food chains
and the windows of inns and hotels.
They’re moving on busy streets
in different sizes and hues.
They’re inside big malls
just taking their nap inside
the smallest bulb that the big structure is selling.
They’re in the eyes of the little Badjao girl
who passes by the wide LED light
installed in the heart of the city.
They’re in the filthy creek – wings and body
bended here and there by the breathing of the
waters.
They’re suspended to every pole blanketed
by the incantation of the gnats and midges.
They are shattered— scattered in the sky—
and had existed before things were named.
They’re everywhere; lingering,
Learning the language of the streets.
We barely see fireflies now
But here, here in the city—
They are everywhere. 


Jevin Astillero is a writer and a recent MA Panitikan graduate from MSU-Iligan Institute of Technology. He loves language and literature and dreams of championing regional voices someday through his writings. 

Kawon

Poetry by | December 22, 2025

Su lukës ta i nagayun
Apiya di ta galiliyag
Apiya di ta pakaulalëng
Na da lëkita a ungangën.

Namag su kabamaluy sa lëkita
Uway na niyapan a mailay ko sëka
Mana aku manuk a di pun bamitas
Muna pan sa wata a di mataw mëdtas.

Saguna na pëdtindëg ta sa hadapan nu Tuhan
Manguda su mga pamikilan
Bagibi si dalëm
Lagid di gaanup su lalan.

Migkalëbug i kapëgkailay ku
Sabap ku mga lu
Pakailing sa pulangi sa Pikit
a di pëndëgka i kabagukit
Banalus–
Bangilay sa gadsabpan.

Taliman ka niya i kulis
Apiya maibped pa su mga lu migis–
Sabap ku simba
Sabap ku agama
Na da manggula. Continue reading Kawon

Dakbayan sa Sabaw

Poetry by | December 22, 2025

Balbacua diri
Kabaw-hinalang ngadto
Mga giabog nga paisano
Paghigop ang gi-ari

Mao kini ang Dabaw
Dakbayan sa Sabaw

Lagpad nga dalan
Kapingis sa pag mantinir
Pirti pang laplap sa mga engineer
Dayong busina sa baratong borikat
Ngisi gamay, gakos sa asawa’g anak.

Kamot nga mangumot sa hanggaw
gahulma sa dakbayan sa sabaw.

Ang boang nga gatiniil,
gitiunan og pusil.
Ang buotan nga ikaw, imbis
magpalambo; magpatubo
susama nalang sa pulis.
Dayong human sa adlaw
pil-on na ang bughaw
‘nya diha sa unahan:
mantikaong sabaw.
Higop, amaw.
Ikaw gipakatawo sa Dabaw,
Ang Dakbayan sa Sabaw.
Ang oyok nga nahilis
sa ibabaw sa tubig nga kaniadto tin-aw
karon mas lami pa sa dagat
kay ang iyang kaparat
‘di ra gumikan sa asin
‘duna pa’y tunga sa kilong bitsin.

Mao na, pahong
padayon la’g higop
imong mata tabuni
sa gasebo nga yahong.
Bahala’g hunghongan kana og,
“hunong!”

Mao mani imong tuyo bitaw
muburot, mu-tiurok, ug malanag sa kalami
sa balbacua, bulalo, ug pares
nga ang kaledad di jud malalis

Mga bulawan sa Dabaw,
Ang Dakbayan sa Sabaw.


Kuda Bux (b. 1991) crawled out of the concrete spill of Talamban. He’s been running around aimlessly, chasing approximations of whatever art is—scraping together near-zero-budget productions under  Corner House Productions, feverishly dreaming up scrap videos, junk stories, and other peculiar accidents. These days, he rolls through the streets and mountains of Mindanao.

Learning an unfinished recipe for 蛋炒饭 (egg fried rice)

Poetry by | December 22, 2025

  1. Begin with the rice.
    Day-old, cold, waiting in the bowl.
    Grains cling to each other as I press them with my fingers.
    They never loosen the way yours did.
    Set it aside.
    We learned to wait for the small, stubborn hope
    that someone might still return
    after the burial.
  2. Rinse it gently.
    Run your fingers through water.
    The water clouds.
    It smells faintly of the kitchen you left behind.
    Swirl. Lift. Swirl again.
    The motion should be ordinary, but my arms ache.
    There is no instruction for how long this takes.
    The grains never remember your hands.
    The water never clears. 
  3. Crack the eggs.
    Beat them slowly, coax them together.
    Add garlic, sliced thin.
    Add ginger.
    Scrape the memory from the edge of the knife.
    Spring onions. Soy sauce.
    There is no measure, no recipe, no certainty.
    Your hands knew.
    Mine only tremble.
    I whisper your name over and over
    and still nothing answers. 
  4. Heat the wok.
    Oil shimmers and waits.
    I pour it too fast.
    The flame jumps.
    The metal looks at me with patience I do not deserve.
    I want to be steady, useful,
    to hold something without breaking.
    Ahma, I want to move like you moved,
    to meet heat without fear, to meet life without trembling.
  5. Pour the eggs.
    Fold them gently against the pan.
    Lift. Push. Stir.
    They break anyway.
    Add the rice.
    Fold it in, separate the grains.
    Add everything else.
    Push and fold and lift.
    The spoon clangs against the pan.
    It is loud enough to remind me
    I am learning in the dark.
    Ahma, I want your hand over mine,
    even for a second,
    to guide me on what I do not know how to do.
  6. Taste.
    It is warm. Only warm.
    It fills the stomach but not the room.
    The color you coaxed from white things
    does not come.
    It stays muted, shy, unfinished.
    I swallow anyway.
  7. Fold, stir, fold again.
    My arms ache. My hands fail.
    Everything responds to heat except the one who taught me.
    This kitchen knows.
    The wok knows.
    The rice knows.
    I still refuse to know.
  8. Ahma, if you can hear me,
    Come back long enough to teach me
    what Mama refused to learn.
    Come back so my hands can finally be good
    for something that matters.
    Come back so this recipe
    does not end here,
    so I do not have to learn alone.
    Come back so this rice finally knows
    what it was meant to become.

Alyssa Ilaguison is a media producer and, at times, a writer, from Davao. Her works have appeared in MindaNews, Sunstar Davao, and Dagmay.