Tumingala sa langit. Nasaan na kaya siya?Alas singko y medya. Medyo madilim na. Kailangan daw mag-ingat sa paglalakad. Mahirap na. Maputik ngayon. Sana mamaya na bumuhos ang ulan. Sumakay na lang sana ng pedicab. Medyo malayo rin pala. Parang malapit lang naman ‘to dati. Hinahatid pa niya ako noon. Pwede naman sigurong dumaan sandali sa tindahan nina Lily. Mangangamusta lang, matagal-tagal na rin. Minsan lang makalabas. Magpapakita pa kaya siya? Buntong-hininga. ‘Wag na lang, baka magalit ang nanay. Buti nga kahit pa’no, pumayag ngayon sa paglabas. Konting tiis na lang. Tingin lang ng diretso. Isang kanto na lang, bahay na. Nakakapagod pala talaga.. Kakayanin ko kahit wala siya. Higit sa bigat, yaong mga tingin, yaong mga bulong. Pero andito sana siya. Continue reading Dalagita
Dalagita
Fiction by Jezereel Louise Camangeg-Billano | November 23, 2008