Pakopyahin Mo Na Nga Ako

Poetry by | July 18, 2010

Pakopyahin mo na nga ako
– Matuto ka nang makisama –
Sige na, huling beses na ‘to

Lahat na nga ay nasa iyo
‘di mo pa kayang magparaya
– pakopyahin mo na nga ako!

Syet kasi ‘tong teacher nating ‘to
Wala namang silbi ‘tong quiz niya-
(Sige lang, huling beses na ‘to…)

Sige ka, at kasalanan mo
Kung hindi ako makapasa!
Pakopyahin mo na nga ako!

Believe me, ‘tol, kahit ayoko
Requirement na pati kumopya
(-kaya nga huling beses na ‘to…

(…Amin pa kaya ‘tong buhay na ‘to?
Basta, tapos na ‘to mamaya…)
– Pakopyahin mo na nga ako
talagang huling beses na ‘to.

—-
Karlo Antonio David is a 3rd Year AB English student of Ateneo de Davao University.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.