Nakilala ko si Cobi noong ako’y anim na taong gulang pa lamang. Kaklase ko siya sa kindergarten at siya ang pinakamalapit sa akin. Bata pa lang ako noon, pero may nararamdaman na akong pagtingin sa kanya. Iyon bang pag di siya nakatingin sa akin ay sa kanya ko pinapako ang mga mata ko. Pag nahuli niya ako ay dinidilaan ko siya kasabay bubulungang “pangeeettt!”. Tapos tatawa lang siya. Ganoon datya’t nami-miss ko iyon kapag walang pasok kaya naman parang parusa sa akin ang bawat araw ng Sabado at Linggo. Noon lang iyon.
Keychain na sapatos. Isang keychain na sapatos ang iniabot ko sa kanya sa araw ng paglisan niya. Ibabalot ko sana iyon ng papel pero baka di ko na siya maabutan sa paaralan. Matulin ang takbo ko para lang mahabol ko ang regalong ito na bigay pa sa akin ng nanay ko noong umiyak ako sa palengke mabili lamang ang keychain na iyon.