Sa Toboso 19

Poetry by | May 4, 2026

Magkakaiba ng paninindigan
pero iisa ang hinahanap,
kapayapaan.

Paano ba talaga ito makakamtan
kung ang bala ang nauuna
at nahuhuli ang usapan?

Sa isang iglap, may mga pangarap
na hindi na aabot ng umaga.
May mga pangalan
na mananahan na sa alaala

Kasalanan ba ng sundalo
kung ang utos ay sinusunod niya?

Kasalanan ba ng aktibismo
kung matagal na siyang ‘di pinakikinggan?

O baka mali ang tanong,
baka hindi sila ang dapat sisihin.

Itanong sa mga nasa itaas,
sa mga hindi kailanman sumuong sa putok
sa mga may kapangyarihang mag-utos
pero hindi nadadaplis ng pagsubok

Baka doon
may sagot.

O baka doon
nagsimula ang tanong.


Si Gine Mae L. Lagnason ay full-time faculty member mula sa Central Mindanao University. Nakapagtapos ng Master of Arts in Philippine Studies–Language, Culture, Media sa Pamantasang De La Salle-Maynila noong 2019. Pinarangalan siya ng 2022 Gawad Rolando S. Tinio sa Tagasalin (Kategoryang Nobela), o ang Translator’s Prize ng NCCA.

Gantí ng Gabà

Poetry by | June 23, 2025

—Madalíng isísi ang sála sa ibá,
Mahírap pigílin ang luhà sa matá.
Ang sayá sa malî ay sadyâ ng tadhanà.
Ang lumbáy sa hulí ay gantí ng gabà.—

Madalíng iwaksí ang saríling sála,
Isísi sa ibá ang pasáng parúsa.
Ngúnit káhit tákas ang pípi’t may bátik,
Ang puwáng ng luhà’y sa púso’y didikít.

Continue reading Gantí ng Gabà

Maayong Paglakaw, Gali

Poetry by | March 11, 2024

Miabot na gayod ang tukmang panahon,
Mikunsad na sa yuta ang imong bituon.
Giagak na sa balod, sa gabon, ug sa hangin,
Ang kaliwat ni Gaun nga nangita sa kabilin.

Magbakho ang yuta sa imong pagbiya,
Apan sa imong pag-abot, ang langit magsadya.
Ang imong mga Buuy, naghulat na sa pantaw,
Didto sa Talugan kung diin may kalinaw.

Kalinaw kanimo, Anijun (07.20.2020)

 

Si Gine Mae L. Lagnason ay isang full-time faculty member ng Central Mindanao University. Natamo ang digring masterado sa Philippine Studies-Language, Culture, and Media sa Pamantasang De La Salle-Maynila taong 2019. Aktibo siyang nakikilahok sa iba’t ibang gawain at kumperensiyang nagtataguyod sa pagpapalawig ng diskurso sa wika, kultura, panitikan, midya, at edukasyon.