Nang Magka-Amnesia ang Feminista

Poetry by | March 3, 2013

Teka muna.
Hanggang kailan pa ba ang pagkukunwari?
Nagsuot na ako ng mahabang saya’t
tinigilan na ang pagmemeyk-ap sa sarili.
Wala pa rin eh.
Dedma ang da moves ko sa’yo.
Alam mo bang liberated ako?
Unconventional? Feminist?
Sinadya ko lang talagang iumpog ang ulo ko
nang magka-amnesia ako for a while
at magbagong-anyo
upang umakma ako sa
standard mo.
Wa epek. Ayoko na ring maghabol.
Iuuntog ko na lang uli ang sarili ko
doon sa dingding ng aking kwarto.
Bukas, babalik na ang alaala ko.
Ako na mismo ang manliligaw sa’yo.


Si Djamyla ay nagtapos ng kolehiyo sa unibersidad ng Ateneo de Davao at nagtratrabaho ngayon sa DILG. Dalawa sa mga paboritong niyang paksang isulat ay tungkol sa peminismo at literatura.

Low I.Q Lab Apeyr

Poetry by | December 23, 2012

Cloud 9 ang filing ko
Nang maging mag-on tayo
Dahil I crush u sinagot agad kita
Kahit kabribrik nyo lang ng dati mong syota.
Sabi ng frens ko ako’y ulol
‘di ko raw alam ang 3month rule
“ So wat” sey ko naman,
“ Hindi na uso ang ganyan.”
Kahit na tru txt lang ang ating ligawan
Ebri moment akin pa ring ninanamnam
At mas praktikal naman ang unlitxt na diyes
Kesa isang boquet ng long stem roses.
In pak, ang swit mo sa aken
Napakatotful mo at kering
“Slip tyt. Kain na u. tsupsup. Bebe ko.”
Ikaw na talaga ang aking Don Romantiko.
Lab na lab ko rin ang ating tampuhan
Kapag tayo’y may deyt at ako’y iniindyan
So kyut, apekted ka sa fb status ko
At agad-agad ititxt mo ako.
“kaya hinde ako nakarateng
Dahel may iniutos si nanay sa aken
Bebe sori hinde na mauulet
Lab kita wag ka nang magalet.”
At heto naman me sa kileg namimilipet
I always porgiv u nang paulet-ulet
I’ll txt bak “ Ok. Peace na tau bebe”
Ang swit ng reply mo, “ I lab u. jejeje.”

Pagmumura ng babaeng hindi marunong gumawa ng tula

Poetry by | November 11, 2012

Anak ng tupa.
Nagbabasa ako ng kanilang mga tula
at wala akong magawa
kung hindi ang humanga
sa indak ng mga salitang
lumilikha ng paraiso dito sa lupa.

Wala akong ganyang kakayahan.
Ni Katiting. Ni Daplis.
Ang alam ko lang ay magbasa
at humanga
at magbasa
at magmukhang kawawa.

Paano ba kasi nila
binuburda ang mga titik
upang makabuo ng tula
sa langit?
Saan ba kasi nila
kinukuha
ang indayog at kulay ng
kanilang salita?

Anak ng tupa.
Pagmumura lang ang aking magagawa.
Wala akong kakayahan.
Ubos na rin ang tinta ng aking mumurahing
bolpen.
Higit sa lahat
wala akong mahagilap
na totoo sa akin

Walang pag-ibig
Walang Ligaya
Walang Luha.
Ang tanging totoo lang
ay ang tulang kinatha ng iba
at hinding-hindi ko magagawa.

Anak ng tupa.


Si Djamyla ay apat na taong nag-aral sa Ateneo de Davao University, mahilig magbasa ng mga tula ngunit hindi (raw) marunong gumawa.

Kagabhion

Poetry by | September 9, 2012

Ang kagabhion
Morag kape nga gisabyag
Nganhi sa kalibotan.
Nangagda
Ang langit
Nga tan-awon
Ang nagdayan-dayang mga bituon
Sa iyang aping.
Hinay-hinay nga gisaliporan sa mga panganod
Ang maanyag na hulagway
Sa buwan
Ug ang gamayng gatas na gisabwag apil sa
Itom na kagabhion
Nahanaw
Ug gipulihan og kangitngit
Sabay sa bugnaw
Nga ginhawa sa hangin.
Taudtaod,
Gihilak sa langit ang mga bituon
Nga nangabuak paghapak sa yuta.
Apan walay nakasaksi niini
Kondili ako lang
Na naanod sa kangiob sa kagabhion
Naghilak pod og mga bituon
Samtang naghandom
Sa gugma mong
Gisabwag sa tanang dapit
Pwera lang sa akong kasingkasing.


Si Djamyla nakahuman sa kursong BSED-Englsih sa Ateneo de Davao University. Hilig niya ang pagtan-aw sa langit kada gabii.

Diksyunaryo

Poetry by | August 26, 2012

Pinilas mo ang bawat pahina
ng makapal kong buhay.
Naghahanap ng salitang madaling intindihin.
Marami ako niyan. Hindi mo lang pansin.
Nakatuon ka lang naman
sa mga bagay na mahirap wikain
o ispelingin.
Marahas mong winawaksi
ang pahina,
ng manipis kong kaluluwa.
Nagmamarakulyo.
Hindi mo lang alam.
Pasan ko ang mga titik ng mundo,
sa bawat katagang binibitawan mo.


Si Djamyla ay apat na taong nag-aral sa Ateneo de Davao University.

Eulohiya

Poetry by | July 22, 2012

“Nais kong ilibing sa maputlang papel na ito
Lahat ng nagawa nating kwento.
Lahat ng kabanata ng ating samahan.
Ang saya. Lungkot. Hinagpis.
Pagtataksil. Ang pagtangis.
Iluluha ng aking panulat ang lahat ng
Pasakit na hindi kinilala ng aking mga mata.
Ililibing ko sa pirasong papel na ito
Lahat ng bubog ng nasira nating samahan
Upang tumahan na ang nagdurugo kong puso.
At pagkatapos, iiyak ako sa pamamagitan ng panulat ko.
Hindi mo ako makikitang tumatangis.
Ang mamasdan mo lang ay ang puntod ng letrang
Pinagtagpi-tagpi ko upang buuin ang lapida
Ng yumao nating samahan.
Isang beses lang akong magtatapat
Ng aking tunay na nadarama.
At ililibing ko iyon sa isang piraso ng maputlang papel.
Kasama ka at Kasabay ng isang pangako:
Ito na ang huling patak ng tintang
iaalay ko para sa iyo.”


Si Djamyla D. Millona ay nag-aral sa Ateneo de Davao University at kasalukuyang nagtatrabaho sa DILG.