Bago Mo Lisanin

Poetry by | June 12, 2011

Bago mo lisanin ang araw na ito
Hagkan mo sa iyong diwa ang mga oras
Na wala kang ginawa kung hindi magmahal
At umawit ng himig nito

Paano mo nga ba nilipad ang tayog ng pangarap?
Paano mo sinisid ang lalim ng panaginip?
Hindi mo man abot ang dulo
Natutuwa na akong sinubukan mo

Kasabay sa pagsabog ng araw
Asahan mo ang patuloy kong pagsamo
Iyo ang aking balikat at ang mga nakarugtong pa rito
Isama mo na ang pangarap at panaginip na nakatago


Alfredo Agreda is a full-time marketing officer and a freelance photographer.

Ang Hangin at Kahel na Lampara

Poetry by | June 29, 2008

Hipan mo ako hangin ng iyong hiningang kay lamig
Kasabay ng iyong laway na tumatalsik sa aking pisngi
Ibig kong malaman mong ako’y nag-iisa
Walang kasamang kumain sa gabing kay lanta
Tabihan mo ako hangin, h’wag kang matakot ‘di ako titingin
Kunin mo ang kutsara at tinidor
Dahandahanin mong ubusin ang nasa iyong harapan
Ibabalin ko ang aking mata sa kahel na lampara…

Continue reading Ang Hangin at Kahel na Lampara

Dalawa

Poetry by | June 1, 2008

Dalawang kaluluwang naglalayag sa batong karagatan
Dahan-dahang sinusuyod ang bagyo sa ilalim ng kahel na ilaw
De makinang mga nilalang, isa-isang iniilagan
Binabatong mga titig, paunti-unting iniiwasan
Pawis na tumatagaktak, kamay na handang pumunas
Mga butil ng maalat na likidong nahawi ng maitim na hangin
Mahapdi sa mata, malamig sa balat
Hinto!
Berdeng bwa’y nagpakita at nagmamadaling tumakbo ang mga de makinang tao
Naghahabulan na parang mga batang yagit
Nag-aagawan sa kakaunting espasyo ng dagat na bato
Lakad!
Pulang buwa’y lumabas at hinay-hinay na nagpaanod ang mga kaluluwa
Nilalasap ang bawat yapak, ninanamnam ang panandaliang kapayapaan
Tumitingin sa kalangiting butas—maitim at walang laman.
Katulad ng mga sikmura ng dalawang dakilang kaluluwa—nangangasim dahil wala pang nakain.