Mga Naiwang Balangkas Hinggil sa Pag-ibig

Fiction by | December 22, 2019

Isang pangkaraniwang gabi, ilang taon ang lilipas, hihiga siya sa kama at saka haharap sa puting dingding na kinulayan ng alikabok at dumi ng insekto, at pagkatapos, dahan-dahan niyang yayakapin ng mahigpit na mahigpit ang unan, pagdidikitin ang kaliwa at kanang paa, at saka bubuntung-hininga. Alam niya sa sariling hindi ito ang huling beses na mararamdaman niya ang pag-iisa, marahil bukas, sa susunod na araw, sa susunod na linggo, sa susunod na taon, at hanggang sa susunod pang limang taon, hihiga ulit siya sa kama, haharap sa puting dingding, yayakapin ang unan, pagdidikitin ang kaliwa at kanang paa, bubuntung-hininga, at saka mararamdaman ulit ang paglukob ng pag-iisa at kalungkutan. Ilang saglit pa, ibabaling niya ang tingin sa kisame, at pagkatapos, bahagyang babalik sa naunang direksyon nang pagharap sa dingding, muli niyang ipipikit ang mga mata, itatago ang lahat, ang lahat-lahat sa dilim: mukha, pagnanasa, at katawan.


20 Nobyembre 2019

Salit-salitan ang sigaw ng mga demonstrador sa Central Park sa Hong Kong nang bumaba sila sa sinasakyang taxi upang hanapin ang kinontratang tour guide na maglilibot sa kanila sa mga attractions sa lugar. Sa hindi kalayuan sa estasyon ng MTR, nasulyapan niya ang isang lalaking tila pamilyar at hindi pamilyar sa kanya. Nasa 5’6” ang taas, kayumanggi ang kulay, may pagka-singkit ang mga mata, at katamtaman ang pangangatawan. May pagkakatulad ang hitsura ng lalaking demonstrador kay T— kahit na halos dalawang taon na silang hindi nagkikita matapos tuldukan ang hindi malamang ugnayan. Mag-boyfriend, magkarelasyon, mag-uyab, mentor-mentee relationship, bestfriends, friends with benefits, o mga tao na pinagbuklod ng pangungulila at pagkatapos ay nagkapalagayan ng loob na humantong sa tila direktang ugnayan ng kani-kanilang mga pagnanasa at pagkatapos ay maaari nang magpanggap bilang mga estrangherong walang panunugutan sa isa’t isa.

Dati niyang estudyante si T— sa isang GE subject kung saan propesyonal naman ang kanilang relasyon. Kung tutuusi’y nagsimula naman talaga silang mag-usap at lumabas-labas pagkatapos ng semestre kung kailan nawala na sa kanila ang bagahe nang pagkikita araw-araw bilang teacher at estudyante. Tahimik lamang si T— ngunit sumusundot-sundot ang pagkapilyo sa tuwing silang dalawa na lamang ang magkasama.

“Nasaan ka?”
“Nasa puso mo!”
“Magkikita ba tayo mamaya?”
“Kung kakantahan mo ‘ko ng ‘Photograph’ ni Ed Sheeran.”

Natutuwa siya dahil tinuturuan siya ni T— ng mga bagay na hindi masyadong pamilyar sa kanya tulad ng “slr” bilang “sorry late reply” at ng “huehuehue” at iba-iba pang emoji at memes na patok na patok sa Generation Z. Hindi lamang siya sigurado kung natutuwa rin si T— sa tuwing pipilitin niya itong manood ng mga pelikula ni Lino Brocka tulad ng Insiang, Bayan Ko: Kapit sa Patalim, at Orapronobis. Sa tuwina’y nahuhuli na lamang niyang humihikab si T— at tila walang gana na tinatapos na lamang ang pinapanood. Kung minsan, pakiramdam niya’y napipilitan lang din si T— na makinig kay Alanis Morisette dahil hindi raw nito masakyan ang angst. Kung sa bagay, lumabas ang album ni Alanis na Supposed Former Infatuation Junkie sa taon kung kailan pa lamang siya isinilang.

Continue reading Mga Naiwang Balangkas Hinggil sa Pag-ibig

Urom

Poetry by | December 15, 2019

Gibira ka sa imong pagdamgo
ug nitugpa balik sa kalibutan.
Namukaw ang bugnaw mong singot
nga nikamang gikan sa agtang
paingon sa imong tutunlan.
Nipis ang hangin karong gabhiuna.
Nilalom imong pagginhawa.
Nituskig imong lawas sa katre
ug napabiling naghinanok.
Maskin gusto nimo tawgon
imong igsuon sa pikas kwarto
apan way mogawas sa baba.
Imong kauban mao imong gihunahuna
nga kini na ang kataposan.
Nipaspas og pitik imong dughan.

Sa wa pagdugay
niuyon imong mata sa kangitngit.
Hinayhinay nagporma ang usa ka tawo.
Nagtuk-ong ibabaw nimo,
nagtan-aw sa imong pagtulog.


Si John Carlo Patriana Beronio kay usa sa mga poetry fellows sa niaging 2018 Davao Writers Workshop.

Libro

Poetry by | December 15, 2019

Kini nahisamag atabay
ug lagutmon.

makainom ang giuhaw
sa kahibulong

mahimo sab busgon ang gakutoy
nga alimpatakan.

sa matag kitkit
nimo sa mga pulong

usapa pag-ayo hilabina ang
mga pakli sa tanghaga

ug ilad-ok sab
ang gaawas nga
pagtulon-an

aron dii mahaw-ang
sa kakulangon.

diha sa imong panumdoman.


Fellow si Renner Sasil sa 2019 Davao Writers Workshop. Miyembro pod sa Himugso Kolektibo ug BATHALAD-Mindanao. Waiter sa buntag ug sa gabii usa ka magbabalak nga nakig-asoy sa iyang musa mahitungod sa iyang kapakyasan sa gugma.

Alinsunod sa Pagbitaw

Poetry by | December 15, 2019

Natagpuan ko na lang ang sarili
na tinatanggal ang alikabok na nanikit
sa librong ilang taon
din hindi nabubuksan.

Ilang paglaglag pa ng mga dahon
bago tuluyang magpalit ang panahon.
Naroon tayo, nakatitig sa paglubog ng araw,
sinusuko ang mga sarili sa dahilan.
Para tayong mga batang naghahagilap
ng mga salita.

Kung ang pagbitaw ay paglaya
sa sarili na tila nakulong ka
ng mahabang panahon sa akin,
napamalas ng aking malambot
na rehas ang hindi pagkakakulong sa iyo
bagkus pagkanlong.

Sa pagitan ng paghawak at pagbitaw,
nanatili akong hati sa gitna, pilit inaalala
kung sino sa ating dalawa ang huling umayaw
hanggang sa ang pagtitig na lang ang natira.


Raymond Ybañez is a resident of Tagoloan, Misamis Oriental. He was a fellow of the 10th Palihang Rogelio Sicat and 7th Angono National Summer Writers Workshop.

Paruparo sa Konsepto ng Pag-Ibig

Poetry by | December 15, 2019

Bawat awit ay may kasagutan
sa mga tanong na ano at bakit
na isang paghuhusga sa subok
ng bait, sa pait, sa antas
ng panganib, sa pagsipat
ng mga kalawang sa daliri ng tiyempo.
Ang pag-init sa pagtapik
sa braso ng lamig ay hudyat
ng paghimok sa baywang ng daig.
Sumasalikop ang mga ugat
nito sa pinulbuhang rabaw tulad
ng abo sa puwit ng kawali.

Kakaiba ito dahil naninimbang
ang mga gilid at dulo nito sa
haplos ng daliri. At tulad ng pinakintab
na dyamante ay isang alipato
na masigla pa sa gusgusing kabayo.
Ang pagaspas ay isang kawalan sa eksena
ng pagdadalamhati sa tuwing mapuputol
ang gula-gulanit na salita at sinumpaan sa
dakilang pag-ibig.

Ito ang paglipad ng kulay sa
gitna ng lito, ng lipos, ng ingay.
Bawat lipad sa lilim ng panganod
ay pagtuklas na tumatama sa
pananagutan ng paningin at kalayaan.
Konsepto ito ng pag-ibig
na sumanib at tumugon sa hahakbangin:
tukuyin ang bingit, awitin ang awit,
pitasin ang bunga,
sagutin ang ‘ano at bakit’.


Adrian Pete Medina Pregonir is from Banga National High School, South Cotabato. He won the Sulat SOX Short Story Writing Competition and the third prize for the Kabataan Sanaysay category of the Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature in 2019.

The Chicken Traps

Fiction by | December 1, 2019

Arriving at the creek, Dina stopped to rest her aching feet from an hour of walk. She was dejected after an unsuccessful attempt to find work in a farm near the highway. For months now, she was unable to get any work so that she and her two children can have money to return to her parent’s place in Zamboanga.

It was already mid-morning and she hadn’t had her breakfast yet. She put on the ground the cloth bag she was carrying. It was a bit heavy with the five leches of rice that Nang Lorna, the bisayan who lived near the health center in the highway gave her upon knowing that she hadn’t had rice for some time now. She thought about her two children she left in the house with only roasted eggplant for breakfast.

She bent down to pick up her slippers, raised her skirt and steps into the cool murky creek. She quivered as the cold water rose to her naked thighs. Looking around and seeing no one, she raised her skirt more.

She looked toward the big river to her right where the creek empties its cold water and saw a log, surely washed out from the heavy rain the previous night, slowly floating downstream. She turned her head back. The image of her husband on that same river came back every time she saw big objects floating. It also rained hard that same night. It was more than a year ago. They found his body floating on the river bend where the water almost stood still. There was one gunshot wound on his chest. She heard people talking behind her about what really happened that rainy night, but she believes her husband was only setting traps for wild chicken across the river.

She was only twenty-nine years old. Her long black and shiny hair made her look a little shorter and smaller than she really was. Her face still carried that youthful look since she came to Ado’s place from Zamboanga ten years ago.
Life was supposed to be better here than in the congested streets of Zamboanga or the shorelines of her father’s place in Bolong where the smell of dried fish permanently infused in the air. Here, her hair always smelled of fresh coconut milk every time she returned from the spring to wash clothes and to take a bath.

Andun koliwag ug nyugan nyu?” Ado would always tease her in his native Subanon dialect as the sweet smell of fresh coconut milk filled the air. He was asking how big her coconut plantation was.

Continue reading The Chicken Traps

Dahon Nalang Sana Ako

Poetry by | November 24, 2019

Marahil, guryon akong hindi mahahalikan ang langit
sapagkat isinasantabi lang ako ng mga alapaap.
Aabutin mo siya tulad ng mga bituin sa karimlan.
Ang hiwaga ng pag – ibig mo ay kasinglawak rin
ng espasyong pumapagitan
sa tadyang na pumoprotekta sa puso ko.

Ngunit paano naman ang sa akin inay,
Minsan mo rin akong tinawag na anak, hindi ba?
Dahon nalang sana akong tinangay
ng malakas na hangin patungong kawalan.


Ivan Ridge Arbizo is from Davao City High National High School.

Skylab (You Goodbye)

Poetry by | November 24, 2019

Inigkiling ning katig
sa atong sakyanan,
huna-hunaa
ang atong mga kaagi
padulong ning taknaa

ug kon malantaw man nako
ang pang-pang nga atong
pakahagbungan,

tutokan ko gihapon
ang galurat mong mga mata
kay sa ulahi natong pagginhawa,

magbulag ta –
ikaw sa tuo, ako sa wala.


Lance Harvey Gonzales is a BS Electronics Engineering student from Mindanao State University – General Santos City.