Walang Plumang ‘Di Makata

Poetry by | March 10, 2013

Tumutula ang isang manunulat
sapagkat may mga salitang
‘di kayang ibakat sa papel.
Mga salitang ‘di kayang ibigkas,
mga damdaming nagpupumiglas
ngunit ayaw ipadama,
ayaw ipaunawa.
Tumutula ang isang tao dahil
ibig niyang ipahiwatig
sa salita ng makata
ang ‘di kayang sabihin ng karaniwang wika.
Mga salitang tanging para sa tula lamang,
mga salitang ubod ng tamis.
Tumutula tayo
sa pait ng ligaya,
sa ligaya ng kamatayan,
at sa kamatayan ng ligaya.
Tumutula ako dahil ako ay umiibig,
umiibig sa aking bayan,
sa kapwa kong kabataan,
sa kapayapaan at tunay na kalayaan.
Umiibig ako sa ‘yo.
Oo, ikaw at wala ng iba.
Tumutula ako para sa mga bayani.
Mga bayaning wala sa perang papel
at sa perang tanso,
mga bayaning ‘di kilala,
sa mga bayaning kumonista,
at sa mga bayaning may burgis na pagkilala.
Tumutula ako
dahil gusto kong tumula,
dahil kailangang tumula,
dahil may nagbabasa ng tula,
dahil may umiibig sa tula,
dahil may pag-ibig sa tula.
Hinahayaan ng tulang lumipad ang makata,
magtampisaw sa dilim
at magbahagi ng liwanag.
Nirerespeto ng tula ang salita,
bagama’t dinudumihan nito ang malinis na wika.
Ito’y tulad ng kaning mainit,
at softdrink na malamig,
Siya ay si Biloy na kulot at Eman na buhay.
Yosing red at pulang mandirigma.
Ang tula’y kawangis ng M-16.
Nakamamatay. Nagbibigay-buhay.
Nakakabitin.


Si Leonelleson, kilala din bilang Oni, ay nagtratrabaho bilang isang Customer Care Specialist. Siya ay nanggaling sa Kiblawan, Davao del Sur.

Kwentong MRT, Part 2

Fiction by | March 10, 2013

MRTBoni
Sa pagpreno ng tren ay hindi sinasadyang nasagi ni Can’t Deny ang braso ko. Kadalasan ay ayaw kong nadadampian ng balat ng ibang tao. Hindi ko talaga gusto ang ganoong pakiramdam. Pero sa pagkakataon na ito ay hindi ko siya ininda.

Kung kanina ay hindi ko maalis ang pagkakatitig ko sa kanya, ngayon naman ay hindi ko na maiangat ang aking mga mata kay Can’t Deny. Sapat na ang maramdaman ko siya sa aking tabi, at ang panakanakang paglanghap ko sa kanyang pabango.

Huminga ako nang malalim. Biglang pumasok sa aking diwa ang sabi-sabi na: kapag pinigilan mo ang iyong paghinga habang patawid ng tulay ay matutupad ang isa mong kahilingan pagdating mo sa dulo.

Kasabay ng pagtanaw ko sa Ilog Pasig, ang biglaang pagnanasa na makasama ko si Can’t Deny sa ilalim ng sikat ng araw.

Continue reading Kwentong MRT, Part 2

Nang Magka-Amnesia ang Feminista

Poetry by | March 3, 2013

Teka muna.
Hanggang kailan pa ba ang pagkukunwari?
Nagsuot na ako ng mahabang saya’t
tinigilan na ang pagmemeyk-ap sa sarili.
Wala pa rin eh.
Dedma ang da moves ko sa’yo.
Alam mo bang liberated ako?
Unconventional? Feminist?
Sinadya ko lang talagang iumpog ang ulo ko
nang magka-amnesia ako for a while
at magbagong-anyo
upang umakma ako sa
standard mo.
Wa epek. Ayoko na ring maghabol.
Iuuntog ko na lang uli ang sarili ko
doon sa dingding ng aking kwarto.
Bukas, babalik na ang alaala ko.
Ako na mismo ang manliligaw sa’yo.


Si Djamyla ay nagtapos ng kolehiyo sa unibersidad ng Ateneo de Davao at nagtratrabaho ngayon sa DILG. Dalawa sa mga paboritong niyang paksang isulat ay tungkol sa peminismo at literatura.

Kwentong MRT, Part 1

Fiction by | March 3, 2013

North Ave,
Humahangos akong lumusot sa papasarang pintuan ng tren ng MRT. Maswerte naman ako at meron pang bakanteng mauupuan sa gitnang bahagi ng seksyon na nakareserba para sa mga babae, mga may edad, at mga may kapansanan. Sinadya kong sa estasyon ng North Ave. sumakay para mas malaki ang posibilidad na makauupo ako. Nakakapagod kasing tumayo sa halos apatnapung minutong biyahe hanggang sa estasyon ng MRT sa Taft, lalo pa’t meron akong backpack na may lamang damit, laptop at digital camera.

Katamtaman ang dami ng laman ng tren sa paglarga nito. Mag-aalas diyes ng umaga na rin kasi. Sumandal ako sa matigas na upuan at ibinaling ang aking atensyon sa mga imaheng lumilipas sa labas.

Mataas na ang sikat ng araw. Mabuti na lamang at malakas ang buga ng hangin ng aircon sa loob ng tren.

Continue reading Kwentong MRT, Part 1

She, the City

Fiction by | February 24, 2013

Mrs Elizaga had been standing for some time in the middle of the living room with one hand touching her throat and a broom in the other, while she stared at the front door, which was firmly shut and bolted; through the gaps between the door and its jambs streamed the harsh light from outside like metal blades. Clods of dirt had been gathered at her feet, and the blue plastic dustpan stood, as if waiting, in one corner. She was used to keeping house and did so with as much fervor even after the children had all gone to families of their own and even years after her husband’s death. But that day she thought that all that had been taught her in housekeeping—or rather, everything that had been her practice—was incorrect and that her entire life dedicated to that task as wife and mother had been a mistake. But perhaps, she thought, it was because what she expected to come home anytime that day was a husband coming home from the grave.

Continue reading She, the City

To France, With Love, From Davao 

Poetry by | February 24, 2013

Oh mon copain, how I miss you!
I search for monay bread at the bakery,
But I only notice the baguettes
smiling at me.
And I hope you are riding the rame de métro
As I ride the jeepney to Matina.
Bonjour, you say,
And I reply good evening,
As we share chicken adobo and un verre de café
over a Skype call.
You said you got lost at le Louvre?
I wonder would you discover a secret trail to Davao,
going to my house?
You said you cried my name at the top
of the Eiffel Tower?
Then tomorrow I shall climb the peak of Mt. Apo
to hear your message.
Bonne nuit, you say,
As you vanish from the screen.
But those two words shall be the lullabies
I hear on the pillow,
until I walk barefoot in France and find you
dans mes rêves.


Glyd works as a research assistant at Philippine Women’s College of Davao and a part-time murderer of the French language. He was a fellow of ADDU Writers Workshop 2010 and Davao Writers Workshop 2011.

Tres Marias

Poetry by | February 24, 2013

Lying down on the trimmed grasses of their garden like we used to do,
Staring at the perfectly aligned Tres Marias that she would call the “I love you” stars,
I didn’t notice my tears running down my face.
I didn’t notice that she shared the moment of crying with me.
Only sniffing and groaning, neither of us talked.
Almost the same silence seven years ago,
But we’d rather both smile while facing each other-
Just as the two mythical creatures who lived in
And arose from the bamboo in an old, old tale-
And then my lips would softly and swiftly collide into hers,
As a diving man would plunge into a welcoming and glimmering sea.
And the sea-gull’s flock would spread out to the unseen heaven.
But it was over.

If she only accepted my life, my origin, me as a Kaagan
Just like the older Kaagans accepted Islam,
When they embraced the Great Book and the Day of Resurrection.
When the shariffs, the knowledgeable ones sailing from Maguindanao and Jolo,
Swung their paddles into the seas of Mindanao
To arrive at the lands of the innocent pagans and preach.
A hailing sailing to the shores of Davao,
Triumph did they receive in capturing the hearts of my ancestors,
As though they had successfully made them fall in love with Islam.
While I was nothing but a failure.

And I envied them –
Because I’ve never been successful in capturing her heart.
I tried hard to save her from the mistaken belief,
But the potion – the poison in a portion
Of her heart was too strong.
My attempts had been hopeless.

The similar panorama when Muslim travelers arrived–
Almost a successful enlightenment but not enough.
Paganism continued, worshipping its concealed god, Tagallang.
Like what she did, Mandaya and Mansaka did not believe in what I believed.
We could’ve been wedded in my place.
I, in a long white abaya with a Muslim cap, and she,
Under a mysterious covering of hijab.
A wedding blanketed with a delusive bliss.
Everything could’ve been perfect.
And as the celebration of the wedding would follow,
Symphonies of combined sounds that the kulintang, gong, and barabad would produce,
Played by old Kaagan ladies,
And an old couple would dance to the rhythms.
Fingers spread, legs bent, faces at their finest projections.
And everyone would be impressed.
Folded money bills would be inserted between their fingers,
Yet the dancing would never be disturbed.

I could’ve shown everything to her,
She could’ve been impressed too, but everything was just a failed dream.
I shut my eyes for seconds and opened subtly.
The Tres Marias shone blurry to my sight, the flowing tears filter,
And I never even cared to wipe them,
Or maybe I was too naïve to even notice them,
The stars were dead and dull dots above, and we were both hopeless.
It was hard to move and end the night. But I should do
What I’d thought was right. I stood, leaving her crying and crying
For it would be the last time for her and me.
And “Goodbye” was the only spoken word in the night when the Tres Marias shone.


Nassefh Macla studies at UP Mindanao.

Ayoko ng Sabado

Nonfiction by | February 17, 2013

Ano bang dapat mong gawin kapag na-realize mong ayaw mo na sa galaw ng buhay mo?

‘Yung tipong wala ka nang pag-asang baguhin ang ni katiting sa buhay mo. Naipit ka na kasi sa pang habang-buhay na pagkakataon. Maiisip mo rin na wala ka namang lakas ng loob para gumawa ng kahit na anong bagay para isalba yung sarili mo. Kahit na ang mga pangarap mong binuo ng matagal ay nawalan na rin ng saysay upang ipagpatuloy. Ngayon, hahayaan mo na lang ba ang sarili mong malunod sa madilim na kawalan o pipiliin mo pa ring gumising?

“HOY, BABOY! GUMISING KA NA! ”

Ang ingay na naman! Sa totoo’y kanina pa ‘ko gising at kanina ko pa tinitiis na huwag pakinggan ang boses niya. Paano, eh ang lambot ng higaan at ang sarap yakapin ng unan. Gayunpaman, manaka-naka kong pinunasan ang bibig kong may bakas ng natuyong laway.

Teka, ang sakit ng ulo ko. Kung ‘di naman kasi nagyaya ng inuman yung mga pinsan ko kagabi, di sana sasakit tong ulo ko na para bang tinadyakan ng sampung kabayo. Nasusuka ako.

“DI KA BA TALAGA BABANGON?!”

Tantsa ko’y pang limang kurot na siguro ‘yun ni ate L. Pinilit ko nang bumangon para tumahimik na siya. Masisisi mo ba ako? ‘Eh Sabado kaya ngayon! Pero kelangan ko paring pilitin ang sarili ko na pumasok ng paaralan dahil sa isang subject.

“T_NG-INA! TINGNAN MO NGA YANG LINTIK NA ORASAN!

Naramdaman kong nanlamig ang buo kong katawan nang tingnan ko ang orasan: kinse minutos na lang bago mag 7:30. Kung mamalasin ako, pang pito ko na ‘tong absent. Isa nalang at ga-gradweyt na ako ng maaga sa subject na ‘to.

Kung magkataon nga, yari talaga ako kay ate. Ayoko pa namang dumagdag sa mga iisipin niya. Alam kong pagod na siya.

Nakakabagot talagang pumasok sa klaseng naka iskedyul tuwing weekends. Bukod sa wala naman itong kasali sa QPI(marking system ng paaralan ko), andaming dapat isaulo at dalhin sa klase, May mga tone-toneladang paperworks at reporting pa. Nakakaasar! Idagdag mo pa sa listahan ang mga batas na kelangan daw pag-aralan. Forty pages LANG DAW yun.

Continue reading Ayoko ng Sabado