Tokhang

Poetry by | April 14, 2019

More to roses than their roots
they fake love swaying
with the wind,
the inevitability of change.

Night attends
to the garden
to lull them
to sleep.

             The weak let go
and weather with the season;
yellow leaves go first.

Roots dig deep,
below the surface
wider than branches.

By the day
the gardener names
roses, and only roses;

the leaves have all
           fallen
       to
    the
ground.


Darylle Rubino is a faculty member of the Department of Humanities in UP Mindanao. This poem was published in an anthology entitled Continue reading Tokhang

The Troll in the Woods

Poetry by | April 14, 2019

(In collaboration with Hannah Green)

We felt a milder breeze upon our stroll
Although a hatred looms inside the space.
Which made us look around the spooky place.
The face which made us shout looked like a troll.
Whose facial hair is longer than them all.
Its body big just like a large suit case.
Its width is wider than the city’s space.
we felt like we were pinned against a wall
It made my heart quiver just like a lamb.
It made me think of what my fate would be.
This was a close call between death and life.
Its mouth opened and swallowed up a man.
I’m happy that it didn’t follow me.
But If it did, I would have used my knife.


David Paolo Brigole graduated at the University of Winnepeg with a BA English degree. He grew up and studied in Davao City during his primary years. His passion for poetry stemmed from when he used to play with words as a toddler. He is also passionate about drawing bizarre and beautiful objects and loves to indulge in gastrointestinal delights.

Dalagang Ina

Poetry by | April 7, 2019

Katulad ng aking paa ang mga ugat
Ngunit ayaw kong kumakapit sa lupa kapag nakatindig

Walang kaparis ang aking tamis
Subalit hindi mo ako matitikman katulad ng mansanas

Lumililim ka sa aking may hapis
Gayong ako’y naambunan rin ng sariling luha.

Akala mo siguro’y matingkad itong ating mundo
Samantalang dilim at liwanang lang ang mga kulay nito.

Heto at kinakabog na nga ng takot itong aking puso (paano na pagdating mo?)
Parang bungang tahimik lang na mag-papayugyog, mahuhulog.

Kahit walang lupang sumalo,
Sisibul itong binhi sukat mang nag-iisa ako.


Avelth Castro Belicena. Pagkatapos sumali sa palihan ng IYAS, naligaw siya sa Mindanaw at nag-iwan ng marka sa Surigao, Misamis, Lanao, Butuan, Tagum at Davao bilang isang milagrosang mandirigma. Ngayon ay nahanap niya ang daan pauwi bilang reyna kasama ng kanyang dalawang prinsesa sa puso ng QC.

Ang Bagyong Hindi Madalas Kung Marso

Poetry by | April 7, 2019

Ang bagyong hindi madalas kung Marso
Ay tulad ng isang pangkaraniwang pagluha ng langit.
Subalit hindi na ito pangkaraniwan ngayon
Gayong wala nang makapagpaliban sa kanyang pagbuhos
Sumasaklob ang malalaki niyang patak
Sa aking namimigat na talukap;
Ang mga dahong nakayung-yong sa hardin
Ay napilayan din ng husto.
Para kaming sabay na umuusal ng panalangin
Na huminto na ang bagyo.
Itong nakapatong na lungkot sa aking balat
Ay unti-unting dumidiin, bumabaon sa aking laman
Sa pagsampal nitong hanging humahaplit sa akin
Nang may umingit na iyak sa pintig ng ulan,
At ako iyon – basang-basa ng luha, humihibik.
Ito lamang ang maririnig na lumalalim pang tunog
Sa magkabilang dulo ng ingay at tahimik,
Sa mga butas sa lupa na inapawan ng tubig.
May paparating pang hagibis kahit tag-init,
Subalit hindi ako papatda kung ikaw man ito, muli.


Avelth Castro Belicena. Pagkatapos sumali sa palihan ng IYAS, naligaw siya sa Mindanaw at nag-iwan ng marka sa Surigao, Misamis, Lanao, Butuan, Tagum at Davao bilang isang milagrosang mandirigma. Ngayon ay nahanap niya ang daan pauwi bilang reyna kasama ng kanyang dalawang prinsesa sa puso ng QC.

Fat Man and Drying Pond

Poetry by | March 10, 2019

Mercy for our gasping gills-
We’re disowned by the rain, In vain
Fat man,
     Sprinkle some love into our mucked fins
     Just a little lick of liquid life

Our younglings dried for the flies
And our scales turn opaque –
As we are baked in mud we commune in death

Mercy for our gasping gills
Strike the broken ground for spring to flow,
In puddles of death, free us.
The sky has cursed our ponds to dry
     Please don’t curse us too
If you will take our forms for food
     We’re glad to offer you
Just let us breathe
     In water clean
          For an hour or two,


Poor fish,
Meshed in blackening pond weeds,
     I cannot take you as my food,
     Your septic flesh is searing now
          I’ll be dead before I chew
          Your sick fins chucked some stinky muck onto my lips
               Your brood lay drying closing to dying
          As I held you in the under the sun.
               Your jady color disappears

But fish,
I tell you this –
More cursed than you know.
This heaping fat is sucking dry my heart and inner core
I’ve not shown love,
Not even to my own,
I’ve been to hopeless wars
          And did my time
               Burying bodies during storms.

Old Church

Poetry by | March 10, 2019

You were never demolished-
Your posts are planted deep into this heart-
Immovable-
Foundation as thick as Puma Punku blocks.

I bring you with me like a burning birthmark persistent
In solitude and desolations-
I seek for your strong doors.
Your smell of dark fragrant moss and earth alive-
Like flowers of your grounds of rest and frolic and peace
Twisting on your iron gates.

Your trees I took them they stand like royal guards
Listening to countless pastor screams and prayer.

Humming melodies of John and Charles up until dark.
We were your little children always singing in the middle of services, saying bible verses like
Matthew 5 verse 5 “blessed are the meek for they shall inherit the earth”.

We ate your hosts and drank your juice behind your lighted cruciform.

As I take my verses in other churches
Your bells still toll
Even when I pass by your new face I still feel your ghost-
Your hallowed hall where the bats sleep,
The nests of birds you keep,
All are holy on your ceiling,
Holy on the wood wormed pews

And elders, they’re like embers burning,
I kept them in.
Their shadowy smiles linger on –
Old Church!
I seek for you in the darkest night falls –
I longed for you in my rest
Let me rest in the afternoons where the light enfolds you


Gerald Castillo Galindez is the winner of the 2017 Cotabato Province Poetry Contest. A graduate from the University of Southern Mindanao in Kabacan, North Cotabato, and currently teaches at the Senior High School Department of Notre Dame of Tacurong College, Sultan Kudarat. He is a fellow for Poetry in the 2018 Davao Writers Workshop.

Busaw

Poetry by | February 24, 2019

Naisip mo noong isda kang
ipinalit sa nawalang
ipinagbuntis na kapatid. Ayon sa iyong ina,
pag-ahon niya sa ilog naramdaman
ang pagkawala. Walang
bangkay sa lamay ngunit inaliw pa rin nila
ang mga sarili ng mga bugtong
upang walang talukap na bumagsak,
matiyak lamang na hindi tuluyang
makuha ng busaw ang nawala.

Ayon sa matatandang Tboli, isda ang kapalit
sa kinuha. Walang iniwan,
ayon sa iyong ina. Ilang taon pa
ang lumipas nang ikaw naman
ang dinadala. Hindi ka niya
hinele tungkol sa busaw nang hindi lumaki
sa kasamaan. Itinatago niya sa loob
ng tirahan ang hagdan pagdilim
nang hindi maakyat ng inaasahan.
Lumaki kang mulat
sa takot na walang katiyakan
ang anyo at nagugunita lamang
ng mga salita.

Sa salita nagiging tao ang mga isda,
iyong natutuhan malaon.

Malaon, nagdalaga ka
at nagdalantao. Isang takipsilim
nang nagtupok ka sa tabi ng puntod
ng kapatid na walang pangalan.
Ayon sa iyo, pagtayo mo naramdaman
ang pagkawala. Busaw, ikaw.
Tonem?
ang iyong ina. Là,
olow mungol ngawóyen.
Laen luluken?
Walang isda.
Mayroon lamang lansa.


M.J. Cagumbay Tumamac is a writer and reading advocate from southern Mindanao.

Balak na Maikling Dokumentaryo tungkol sa Isang Binatilyo sa Badjao Village

Poetry by | February 16, 2019

ayon na rin kay Jade Mark Capiñanes sa sanaysay na “Abal”

Sisimulan natin sa katotohanan na pangkaraniwan
sa iyo ang lalim ng Dagat Celebes. Mula nang isilang,
iyo nang karugtong ang buwan at araw na nagsasalítang
umaho’t sumisid. Babanggitin natin ang estadistikang
nasisid ng isang katulad mong Sama ang limampung dipa.
Ipapakita kang inaabot lamang ng dalawang mata
ang pababang araw. (Iyong unang talâ: hindi magalugad
ang tinataguan ng buwan at araw sa loob ng dagat
at di madalumat ang pagkakaiba ng lalim at lawak.)

Tutunog ang bangkang hindi sa ama mo at mangingibabaw
ang kaniyang tinig, “Malalaking barko ang aming kaagaw.”
At uuwi siyang dala ang nahuling apat na tulingan.
Daratnan ka niya at ang iyong inang nalunod sa iyak
ng siyam na batang ang dalawang suso ay nais malasap.
Isadula natin ang isang gunita: Pasko sa siyudad
at nanlilimos ka kasama ang ina at bunsong kapatid.
(Pangalawang talâ: may antig ang lamlam sa titig ng paslit
kaya kailangan na ang iyong ina ay laging magbuntis.)

Magpapanggap tayong hinahagilap mo ang baryang hinagis
ng kasama naming magpapanggap namang turistang naakit
sa aya ng lumang restoran na dáting ika’y tinangkilik;
ánitó, lalalang ang tanaw ng dagat ng mga gunita’t
ipapanatag mo, ang táong may hasang, ang pagkabalisang
baka hindi ka na muli pang lumutang. Katulad ng isda
sa isang akwaryum, pangamba at aliw ang iyong halaga.
Aabangan namin sa rabaw ng tubig ang iyong hininga’t
magpapalakpakan sa iyong pag-ahon na hawak ang barya.

Lulusong kang muli upang makakalap ng mga biyaya
gaya ng mamukuk, tayum, at iba pang ipinantadhanang
maipaalala ang danas ng pait sa natuyong dila.
Papakinggan natin ang isang eskolar: dagat din ang lungsod
para sa lahi mo—kinakalap lamang ang mga kaloob
na iniluluwa ng bato sa taob, ng kotse sa katok.
(Pangatlo mong talâ: saklap ang katumbas ng ilap at alat—
humaharurot lang ang mga sasakya’t madulas ang igat.)
Aahon ka ngayong may asim ang tiyan at pakla ang búkas.

Babalikan natin ang dokumentaryo ng isang banyagang
tinunton ang lahat ng suson at sulok ng dagat at lupa
sa layong masukat ang dulo ng hangi’t hininga sa bagà.
Ganito ang tagpong natunghayan niya sa pusod ng dagat:
sa linaw ng bughaw at bigat ng tubig, mayroong liwanag
para sa sumisid na si Santarawing nakadaop-palad.
(Pang-apat na talâ: hindi kailangan ng mga patunay
paano sinunog ang iyong katawan ng init ng araw
at ang iyong buhok ay pinusyaw nito at naging bulawan.)

Iikot ka ngayon sa pamayanan mo upang mapatibay
ang katotohanang wala na sa dagat ang lahat ng bahay.
(Panghulí mong talâ: hindi mo matukoy ang ilang pangalan
ng búhay sa dagat gamit ang wika mong nalimot ng dila.)
Hahantong kang muli sa ulo ng dagat at dulo ng lupa,
hindi malulula sa lumalabo mong mundong dambuhala.
Ating wawakasan na gagambalain ng iyong pagsisid
ang daloy ng dagat. Habang nasa ilalim, kami’y nakatitig,
maririnig lamang ang iyong hiningang bubula sa tubig.


M.J. Cagumbay Tumamac is a writer and reading advocate from southern Mindanao. An earlier version of Balak na Maikling Dokumentaryo tungkol sa Isang Binatilyo sa Badjao Village was awarded second prize in Talaang Ginto in 2017. It was also published in an independently published zine titled Sbu, Maitum, Dadiangas.