(Second part of the Keynote Speech delivered at the 44th Congress of the Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) and the 31st Gawad Alagad ni Balagtas held in Roxas City on 28 April 2018 with the theme: “Kadulom kag Kasanag: Panitikan ng Pag-asa.”)
Kanya, another image of the bird na lumabas ay ang ibong malaya. Ito yong inawit ng mga makibaka-huwag-matakot na ang bokabularyo ay dominated ng tatlong “ismo” monsters. Sa kanilang paningin tayo ay nakakulong sa malaking hawla ng tatlong “ismo” at “isang dipang langit” lang ang ating nakikita.
Ang daming mga Messiah ang nagsulputan, isa na si Marcos who viewed the oligarchs and communists as the evil causes of our poverty, declared Martial Law, and offered the New Society as the sinalimba or hope of Filipinos. In turn, ang mga ismong activists viewed Marcos as the biggest demon in Philippine society. Nag-mutual demonization. Kaso, mas makapangyarihan si Marcos at pinaghuhuli, pinagtotortyur, at pinagpapatay ang mga aktibista. After twenty years nagcrash ang New Society and was replaced by Hope who wore yellow at EDSA. But it went phht very quickly.
One government after another has come and gone, offering hope in the form of millennium goals that went up in smoke, a kagang-kagang jeepney, matatag na republika na madaling nalosyang, and another sinalimba labelled “kayo ang boss ko.” But the country’s situation has worsened. We’ve mangled our Constitution several times, but the diaspora continues, not only to the States but also to Arab countries where our so-called heroes could end up being murdered and hidden in a freezer.
I continue to be stunned by our poverty figures. Lanao del Sur (ARMM) – 74.3%, Sulu (ARMM) – 65.7%, Sarangani (Region 12) – 61.7%, Northern Samar (Region 8) – 61.6%, Maguindanao (ARMM) – 59.4%, Bukidnon (Region 10) – 58.7% etc, etc. Nationwide, it’s still a shocking 25%. Self-rating surveys say 50% of Filipinos feel they are mahirap.
Samantala ang ilan sa neighboring countries natin ay first world na tulad ng Japan, Singapore, at Taiwan. Ang nakakabilib ay ang South Korea. Nadurog ito sa internationalized civil war nung 1954, zero na zero talaga, pero tignan ito ngayon. Vietnam was almost wiped out from the map by the Americans in 1975, but it’s poverty incidence is now only 7 percent. And China, a humungous basket case thirty years ago, is now the second largest economy in the world, reducing its poverty rate of 80-90 percent in the 1970s to only 2 percent today.
Frustrated na frustrated ang Nationalist Artist na si Manong Frankie. What’s wrong with us? Bakit tayo kulelat? Tanong niya sa conference marking the 150th anniversary ni Rizal na ginanap sa Cultural Center of the Philippines nung 2012. Ang daming brayt na sumagot. Alam nila anong kasamaan – ungo, aswang, lamanglupa, at kapre – ang dahilan kung bakit tayo purdoy na purdoy. Ang pinakabrayt ay tumakbo bilang congressman, senador, at presidente. Bawat isa may sari-sariling pangako ng pag-asa para sa bayan. Sakay sila ng kani-kanilang sinalimba, hinihikayat ang mga taong sumama sa kanila. Pastilan, ang nanalo sa pagkapresidente by a convincing margin ay isang probinsiyanong ang bastos ng bibig! Nang maupo, ang daming patay agad ang nagkalat sa daan!
Ilang buwan siyang naupo, nagpromote kami sa University of the Philippines-Cebu ng librong O Susana, the Untold Stories of Martial Law in Davao na bumatikos sa human rights abuses sa panahon ng diktadurang Marcos. Sa forum, isang estudyante ang nagtanong kung ano ang opinyon namin na nagbabalik ang human rights violations sa bansa. Sagot ni Orly Carvajal, na dating pari at ngayoy peryodista: Sa panahon niya, ang evil na kanyang nakita ay ang martial law ni Marcos. At nagdesisyon siya na iyon ang evil na kanyang kakalabanin. Choose your evil, sabi niya sa estudyante, at iyon ang kalabanin mo.
Ang gandang advice. Sa dami-daming evil na ikinalat ni Zeus sa kalibotan, dapat tayong pumili ng pinakaevil para kalabanin. Nung hindi pa kalbo ang tuktok ko, ang kinalaban kong evil ay ang tatlong ismo, na ang concentrated expression nung mga dekada 70-80 ay ang Marcos dictatorship. Sa tingin ko, there has been no substantial change at all since then, based on my key indicator ng pagbabago — poverty reduction. Sabi pa ng kaibigan kong polsci, hoy Mactiu, napaka-Jurassic mo. Matagal nang patay ang US imperialism. Diffused na ang power centers ngayon. Sabi ng isa ko pang kaibigang sociologist, imperialism is just a construct. Ambot, basta ang alam ko, ang smart bombs at nuclear bombs ay construct din.
Anyway, kung sa panahon ni Marcos ang evil na nakita niya ay ang mga oligarchs at communists, at pinagpapatay niya ang mga aktibista upang maitayo ang New Society bilang pag-asa ng bayan, sa panahon ni Digong ang evil na nakita niya ay dalawang syon at isang ty. Drug addiction at corruption, at criminality. Yong corruption is a government thing, embedded by the Spaniards and Americans sa simula pa lang ng pagtayo ng ating pambansang gobyerno. Good luck, Digong! Samantala, ang drug issue and criminality ay social issues largely related to poverty.
Ang pag-asang inoffer ni Digong ay lutasin ang mga problemang ito sa anim na buwan, at paunlarin ang bansa sa pamamagitan ng build, build, build kung saan ang mga kalsada ay puno ng mga bangkay at pinatalsik na mga kurakot. Ayaw niyang paawat. Hindi mo siya mailagay sa isang kahon. Minsan aabante, minsan aatras, punta siyang kaliwa, punta siyang kanan. Pero focused siya sa kanyang giyera, and those who opp0se him ay inuupakan niya – ke simbahan, ke politico, ke mahistrado, ke Obama, ke EU, ke ICC, ubpa.
Kung sinu-sino ang bumabatikos sa kanya, at kung sinu-sino rin ang sumusuporta sa kanya. Mga kaibigan, mga writers, mga biktima ni Marcos, mga magkamag-anak, nag-aaway dahil sa kanya. Sa pagkakaintindi ko, ang daming literaturang lumalabas tungkol kay Digong especially sa facebook at twitter. Wala akong facebook at twitter kaya di ko alam kung anong mga brilliant ideas at kung anu-anong sinalimba ang nagliliparan dun.
During this “period of perplexity, uncertainty, and insecurity,” as some writer has defined this period, unsa man ang papel sa mga writers? Maalaala ko ang isang essay ni Ed Maranan na nakasama ko sa Bicutan in the 1970s tungkol sa mga poets/writers. Sabi niya, ang mga poet/manunulat daw ay hindi lamang mga wordsmiths, kanang hawod mogaray og mga pulong. Marami sa kanila ang mga “vates” – sa Ingles prophet, o seer. Sa ato pa, mga manalagna, o mga balyan/baylan/babaylan.
Tinuod bitaw, kay ang mga orihinal nga poet, mga balyan man. Ang mga balyan dili ordinaryong chanter. They speak the voice of the spirits/diwata who describe, prescribe, and predict for the benefit of the people. They give guidance and clarify the “positive outcome.” Kanya, kung dadalhin natin ang papel bilang balyan, itoy isang mabigat na responsibilidad dahil tutulong tayo sa paglilinaw ng sitwasyon para sa tao, para sa bayan, dalhin sila sa minimithi ni Bonifacio na “panahon ng aliw.”
But we know, ang dami-daming puwersa ng kadiliman ngayon, kung kaya iba-iba rin ang interpretasyon natin sa reyalidad; iba-iba ang nakikita nating evil sa mundo, kung kaya iba-iba rin ang image, shape, and size ng HOPE. Kung ganuon, iba-iba rin ang mukha ng sinalimba. Ang isang pananaw sa kasalukuyang nangyayari ngayon ay ganito: Masama ang dalawang syon at isang ty, masama rin ang human rights violation. Kumbaga, ito ay kaso ng evil vs. evil.
Hope, sabi ni Carl Sandburg, is a tattered flag, the evening star, northern lights in a bitter winter night, the horseshoe…
There is no homogenous image of hope, no common understanding of hope. Obserbasyon pa ni Chantal Mouffe, isang French philosopher: there is no consensus or harmonious collective will, but the permanence of conflicts and antagonisms. We find ourselves fighting each other in the name of justice, humanity, order, or peace. Once we take a particular view, we create a “WE”, the others become “THEM.”
In the meantime, kahit anong batikos kay Digong, patuloy na namamayagpag ang kanyang sinalimba. Malinaw para sa kanya ang kanyang papel: hindi siya sin-eater. Siya ay sinner-eater. Sabi niya kay Sr. Fox, “I kill criminals.” Bakit maraming tao ang sumasakay sa kanyang sinalimba? Ano ang reading ng mga balyan/manunulat?
Nasayod ta nga ang gisabwag ni Zeus nga mga demonyo, ungo, aswang, manananggal, ug uban pang klase sa kadaotan ay naglilipana sa atong katilingban. Ano ang evil na gusto mong kalabanin? Ano ang hope, pag-asa, paglaom ang nasa loob ng jar na minana mo kay Pandora? Anong sinalimba ang iyong gagawin at sasakyan?
Daghang salamat.
Si Mac Tiu ay isang manunulat ng kasaysayan at malikhaing katha.