The Many Faces of Hope, part 1

Nonfiction by | May 20, 2018

(Keynote Speech delivered at the 44th Congress of the Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) and the 31st Gawad Alagad ni Balagtas held in Roxas City on 28 April 2018 with the theme: “Kadulom kag Kasanag: Panitikan ng Pag-asa.”)

To all UMPIL officers and members, our Balagtas awardees, National Artist for Literature Virgilio Almario, fellow writers, guests, and friends, maayong buntag.

I find our theme very interesting: “Kadulom kag Kasanag: Panitikan ng Pag-asa” (Darkness and Light: The Literature of Hope).

We are all familiar with the Greek myth of Pandora, the beautiful girl who received all the gifts from the gods and goddesses. She was a very curious girl. She was told not to open a jar, but open she did, and all kinds of evil came out, darkening the world — calamities, hunger, diseases, plagues, giyera, ungo, kapre, aswang. Na-shock si Pandora, but she had the presence of mind to close the jar. Ang naiwan sa loob, HOPE. Pag-asa, Paglaom.

I’d like to interpret this myth as the origin of how humankind acquired hope, rather than as how evil got into the world. Hope was Pandora’s gift to us. Her brother-in-law, Prometheus, gifted us with fire. Si Pandora, hope. Yong evil of the world na lumabas sa jar, gawa ni Zeus. Maldito man na si Zeus.

Across the millennia, Hope took different faces, shapes, and sizes, depending on the type of evil that prevailed during a particular era. Whatever shape it took, it always meant something good or better than the situation people found themselves in.

Hope is what keeps the fire of Prometheus in us burning, it keeps us going despite all the challenges, hardships, calamities – personal man o communal.

Sa panahon ni Kristo, ang monster ng mga Hudeyo ay ang evil Roman Empire. Even if the Jews knew they would suffer painful crucifixion if they rebelled, fight pa rin sila. What kept them going was the hope of the arrival of the Messiah. Kaso, yong dumating na Messiah ay hindi naman warrior, kundi sin-eater. Kinakain niya ang mga kasalanan ng tao para sila ay ma-save at pupuntang langit. Alam natin na ito yong namayaning pag-asa ng mga Hudeyo na inadopt ng maraming tao sa mundo.

Yong ibang relihiyon meron din ibang mukha ng hope. Ang mga Hindu-Buddhist ay may Mt. Meru. Akyat ka duon, para maabot ang nirvana. Ang mga Muslim ay meron din sariling paraisong patutunguhan na siyang bumubuhay sa apoy ng kanilang pananampalataya.

Sa ating mga sinaunang kuwento, andiyan si Tulalang na lumaban sa higanteng si Kalam-Kalam, isang monster who flattened the mountains, threatening to destroy the sacred places of the diwata. Nakipagbakbakan din si Tulalang sa mga ikogan (tailed men). Pagkatapos ng kanyang pakigpagbakbakan sa mga maligno, dumating na ang sinalimba, ang magic boat, o spirit boat, or flying boat. This is the shape of hope for the Lumads. Sasakay sila sa sinalimba kasama si Tulalang at silay lilipad patungong Katuusan. Sa bersyon ng mga Subanen, iindak-indak sila sa buklog – isang sacred platform – and it will rise and bring the people to heaven. The beauty of this Lumad story is that the ascension ay hindi solo, kundi maramihan. Tibuok komunidad, tibuok banwa molupad ngadto sa Katuusan.

Ang isang pinakamadilim na yugto ng ating bayan ay ang pagsakop ng mga Katsila at pagtayo nila ng conquistador government of the Spaniards, by the Spaniards, for the Spaniards. Hindi umubra ang lantaka natin, made in China ata, maliit, pangtakot lang, hindi pandigma. Hindi umubra ang panawagan ng ating mga balyan sa mga diwata. Nagtampo ata. Walang sinalimbang dumating. Iyong iba umasa sa anting-anting at nagrebelde ng 200 times. Wa epek din, kaya gikulata ang mga Pinoy, gihuwes de kutsilyo, at naghari ang mga Katsila ng halos apat na raang taon kung saan ang karamihan ng mga Pinoy ay naging purdoy, aping-api dahil nga tayoy governed ng isang conquistador plundering machine.

Sabi ng mga Kalagan ng Davao, “We are friends of the Spaniards by force,” nang masakop ng mga luspad ang Davao in 1848, the last Philippine territory to be conquered. Kung makatayming, banat din, at napatay ng mga Dabawenyo ang Spanish District Governor na si Jose Pinzon nung 1861. Reklamo ng mga Katsila, si Pinzon kuno was killed treacherously. Pikat. Ang mga Katsila ang treacherous.

Ang pag-asa ng ibang Pinoy para umangat ang kanilang kalagayan at tanggapin sila bilang equal sa mga Katsila ay ang pag-iimitate sa mga Katsila. Kaya bilib din ako kay Donya Victorina, kahit ang kapal kapal ng rice powder sa mukha at carabao Spanish magsalita, pero siya lang ang netibong India na nakakahalubilo sa mga Katsilang prayle at opisyal. Nakabana pa siyag Katsila na kanyang binubugbog. Tago nang tago ang bana niyang Katsila hanggang sa katapusan ng nobela ni Rizal.

Si Rizal, pinung-pino, de-amerikana, isang doktor, at bukod tanging nakapagsulat ng dalawang nobela in Spanish. Meron bang Katsilang Peninsulares o Insulares na nakasulat ng dalawang nobela in Spanish? Mas brayt gyod si Rizal kesa tanang Katsila. Kaya sabi niya, Hoy, mga katsila, you have Christianized us and Hispanized us, bakit hindi ninyo kami bigyan ng representative sa Spanish Cortes/Parliament?

Anong sagot ng Katsila? Hu yu? You are nothing but a third-rate copycat. Mababaw lang ang kaligayahan ni Rizal, pero binaril pa rin siya sa Luneta. Narealize din niya na kahit gaano ka gaya ng gaya sa mga langyawng puti, hindi ka nila tatanggapin, pislat man tag ilong. Kaya sabi ni Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

Kaso, sila si Bonifacio ug uban pang Katipunero ay hindi na makapag-intay sa mga youth at nakiggubat sila sa mga Katsila dahil sa “pag-ibig sa tinubuang lupa.” Ang kanyang hope – “Ang inaasahang araw na darating” ay “ang panahon ng aliw” or period of happiness sa mga timawang alipin. Masalimuot man ang rebolusyon, malapit din nating ilabay sa Bankerohan River ang Spanish conquistador government at mosanag na sana ang bayan.

Kaso, dumating ang mas malaki, mas tuso, at mas bayolenteng monster, at siyay nagtayo ng isang conquistador government of the Americans, by the Americans, for the Americans na kumubabaw at kinabit ang Spanish conquistador government. Naghasik sila ng germ warfare, hamletting, no man’s land, massacres – Bud Dajo, Balangiga.

Sa Davao, naukay na sab ang mga nitibo, at nanawagan sa mga espiritu sa pamamagitan ng Dance of Labi upang patalsikin ang mga Amerikano. Itong dance of labi ay nagbigay pag-asa sa kanila na puwedeng talunin ang mga Kano. At minsan pa, napatay ng mga Dabawenyo ang American District Governor of Davao na si Lt. Edward C. Bolton sa Malita in 1906. Naging graveyard ang Davao sa dalawang highest colonial officials. Rumesbak ang Kano ng isang huwes de kutsilyo at lahat ng makitang netibo sa Davao del Sur ay pinatay. Tanang makitang buhay, patay – bata, matanda, babae, lalake, pusa, aso. Patay.

Samantala, ano ang nangyari sa hope ni Rizal, ang kabataan? Hinayjak ng mga Kano, ginawang pensiyonado, hinugasan ang utak, binura ang kasaysayan, hanggang sila ay gagaya-gaya na rin sa mga Kano; hindi na mga Katsila ang kanilang ginagaya, kundi mga Kano. Nakalimutan ang heroic struggles ng mga katigulangan upang maging malaya at manaig ang panahon ng aliw para sa bayan.

Sabi pa ni Emily Dickinson na nabuhay nung 1880s, “Hope is the thing with feathers / That perches in the soul/ And sings the tune without the words/ And never stops at all.”

Hope a thing with feathers? Ibon. Bird. Lumilipad. Saan palipad? Sa America. Diaspora ng mga Pinoy dala ng kahirapan na produkto ng kolonyalismo. One diasporic destination was Mindanao. Kaya magulo ngayon sa Mindanao. Kasi minana natin ang isang monster Hispano-American conquistador government that has retained all the bad political and cultural genes of our plundering colonizers. From the very start, it was corrupt to the core. In my view our government, government officials, and government workers behave like conquistadores in dealing with the local people, walang malasakit sa bayan.

(to be continued)


Mac Tiu is a venerable writer of Davao City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.