Su Mga Ngiyawa Kanu Inged / Ang Mga Kaluluwa Sa Bayan

Poetry by | March 18, 2018

Begalibuteng, begkalibuteng su sambel sa laya
Laya na minenggay sa ngiyawa kanu manusiya
Manusiya ang pakapanadeng sa kambayabaya
Kambayaya siya kanu pangingedan a dala den ngiyawa.

Begkukuyog, bedtapuk, begkaleg i kabedsila
Bedsila su gadong a bangawidan sa laya
Laya a pinamulan sa umani inam nu isa
Isa su inged nami a tidtu a nabinasa.

Siya kanu atag nu inged a pakagedam sa kayaw
Kayaw na inilagid sa naraka a mana nin sindaw
Sindaw na ngiyawa nu inged a Magindanaw
Magindanaw na inakes nu inam a migkatenggaw.

Kanu dala pan matay su inam nu inged
Inged a pibpipiyanan nu umanu susuled
Susuled kano kapatot a bagadatan sa pened
Pened bon i kasakit nu inam a natebped.

Sa dalem nu puasa na saksi su ulan-ulan,
Ulan-ulan na kabedsimba salkanin a kadnan
Kadnan a labi a pakataw sa gatamanan
Gatamanan a ibendua umanu gasimpitan.

Su mga bamedtulog a walay na inisayog
Inisayog bun mambo su embabatay a bedtog
Bedtog siya sa didalem u malong a mana ibembedtog
Ibembedtog sa kabegakgilek sa semakwil a midtudtundog.

Mimbaba su mga mama a nakagadong
Nakagadong a aden matalem nilan a pinadtitimpong
Pinadtitimpong su mga Magindanon a midtetendong
Midtetendong sa nadtatanggit nilan a malong.

Limalag kami den siya kanu mga benday
Benday a niya bu gasandeng su natagak a walay
Walay a nambabamatan nu umani embabatay
Embabatay a nangatagak su suled nilan a isa den a bangkay

Nangalimod kami siya kanu ludep nu padiyan
Padiyan a nabaluy a walay a gapagalaguyan
Gapagalaguyan sa timpu nu kasimpitan
Kasimpitan sa kadala nu kalilintad nu pangingedan.

Isa aku kanu Magindandanon a wata
Wata a migkasela sa inged a Moro i bangsa
Bangsa nami a malagan den madadag kanu mapa
Mapa nu Pilipinas a di kami galinyan pakambamata.

Malipedes kanu pamusungan nu isa su kabenalan
Kabenalan na dala sa makatagu sa kanu pagitungan
Pagitungan a midtaman siya kanu talasilan
Talasilan na umanu ngiyawa na aden tudtulan nilan

Niyaba su tudtulan nu ngiyawa nami a bamangeni
Bamangeni sa dua sa kadnan a di kami lemimpangi
Lemimpangi sa kadsususleda endu kabpapagari
Kabpapagari siya kanu kalilintad nu inged nami.

Dumidilim, dumidilim ang hangin sa timog
Timog na pi nagbigay buhay sa mamamayan
Mamamayang naghahangad ng kapayapaan
Kapayapaang sa bayan na wala ng kaluluwa.

Nakahanay, umuusok, tilamsik ng apoy
Apoy ng sakahan sa katimugan
Katimugang pinagtamnan ng pag-asa ng bawat isa
Isa ang aming bayan na tunay na winasak.

Sa bisig ng bayan ay ramdam ang init
Init na kawangis ng impiyerno ang liwanag
Liwanag na kaluluwa ng Magindanaw
Magindanaw na niyapos ng pag-asang malamig.

Nang ‘di pa nahimlay ang pag-asa sa bayan
Nayon na inaruga ng bawat magkakapatid
Magkakapatid sa karapatang iginagalang tunay
Tunay rin ang hapdi ng pag-asang naudlot

Sa Ramadhan ay saksi ang buwan
Buwan ng pananampalataya sa Panginoon
Panginoong saksi sa aming kalagayan
Kalagayang ipinapanalangin ng bawat nahihirapan.

Ang natutulog ay inuguy-ugoy
Inuugoy rin ang pamilyang nahihimlay
Nahihimlay sa ilalim ng malong na itinataboy
Itinataboy sa takot sa rumaragasang tangke.

Pumanaog ang kalalakihang nakaberde
Nakaberdeng may arams na tinipon
Tinipon ang mga Magindanaw na nakatabon
Nakatabon sa dala-dala nilang malong.

Binagtas namin ang sakahan
Sakahang ang natatanaw lang ay tahanan
Tahanang kinamulatan ng mag-anak
Mag-anak na naiwan ang kapatid nilang isa ng bangkay.

Nagtipon kami sa loob ng padiyan
Padiyan na nagsilbing takbuhang tahanan
Tahanan sa panahon ng kagipitan
Kagipitan sa kawalan ng kapayapaan sa bayan.

Isa ako sa mga Magindanaw na musmos
Musmos na lumaki sa bayan ng Moro na lipi
Liping malapit nang maglaho sa mapa
Mapa ng Pilipinas na ayaw kaming mamulat.

Tanikala ng katotohanan
Katotohanang hindi naitala sa isipan
Isipan na nagwakas sa isang salaysayin
Salaysayin ng bawat may-salaysayin.

Ito ang salaysayin ng kaluluwa naming nanalangin
Nanalanging sa kaitaasan na ‘di kami makakaligtaan
Makakaligtaan sa pagkakaibigan at pagkakapatiran
Pagkakapatiran sa kapayapaan nitong aming bayan.


Mubarak M. Tahir was born in Kitango, Datu Piang, Maguindanaon. He finished his AB Filipino Degree at Mindanao State University-MSU Marawi City. He is currently teaching at the Philippine Science High School Southern Mindanao Campus of Davao City. His essay on war and conflict in Maguindanao entitled “Aden Bon Besen Uyag-yag: May Buhay Pa Pala” won the Third Prize for Filipino Essay Category in the 67th Carlos Palanca Memorial Awards for Literature 2017.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.