Sabi ni pareng bert sanayan lang ang pagpatay
Sabi ko naman sanayan lang din ang pag nakaw
Sanayan lang din ang magdadala ng pagkain mula sa handaan
Sanayan lang ang kapalan ng mukha
Sanayan lang din ang uutang at umilag
Sanayan lang din ang kukupit
Sanayan lang din ang gumising ng umaga
Sanayan lang din ang ma late
Sanayan lang din ang hindi magbalik ng barya
Sanayan na din ang fixing
Sanayn lang din ang cheating
Sanayan land din ang waiting
Sanayan lang din ang maging corrupt
Nong malaiit pa ako
Nasanay na din akong pumuslit ng kendi sa tindahan ni aling mimi
Nasanay na din akong kumupit ng barya sa sapatos ni tatay
Nasanay na din akong kumain ng bagoong, noodles at mag-kape
At nasanay na din ang magkaroon ng diabetes at U.T.I.
Sanayan lan din ang managalog, mag-bisaya o mag-englis
Sanay na tayo sa telenobela
Sanay na tayo sa hiwalayan, barilan at romansa
Sanay na tayo sa fast food
Sanayan lang din ang mag-kunwari
”Dahil sa hiya at garbo,Sabi ko vegegtarian ako”
Pinanindigan ko
Nang sumali ako sa retreat…. nagulat ako binigay sa akin carrots, sayote,…walang mayonnaise
Napasubo ako
Sanayan lang din ang magyabang
Sanayan lang din ang gutom at kahirapan
Sanayan lang din ba ang mag-iwan ng pagkain sa hapag na hindi nauubos?
Sanayan na lang ba ang maging mahirap o mayaman?
Sanayan na lang din ang pag-papanday ng kanya-kanyang kasaysayan
Di ka nasanay mahirap sa talaga sa pinas
Sanayan na din ang palingon- lingon,patingin-tingin tingin, pasulyap sulyap
Ikaw !
Anong nakasanayan mo?
—
Si Noy Narciso ay nagtuturo sa Ateneo de Davao.