(Salin-wika mula sa Singlish na tula ni Alvin Pang)
Oy, bantay ka lang pag malaman ni papa na nagkuha ka na naman ng mga candle sa church.
Sige na lang gud kuya, uy. Ibalik ko lang pagkatapos mo mag-study. Hindi man niya malaman kung hindi ka magsabi. Madilim kaya masyado, pa’no ka makabasa?
May moon man din, makakita ako konti. May ilaw din kila ankel Leon, nagakuha ako ng konti sa mirror. Pwede na ‘to. Ibalik mo yang mga candle. Ayaw ko makasab-an dahil sa iyo.
Gi-uwian na gani kita, na kalayo-layo nitong bahay, ipabalik mo pa? Good Friday bitaw ngayon, dami masyadong candle sa church, hindi na yan nila mapansin na wala ang nine, a.
Mali pa rin kahit hindi nila mapansin uy! Ibalik mo na yan.
Ayoko.
Sige na, kay gabi na. Patay ka talaga pag-uwi ni papa.
Ayoko. Makita ako nila ate na nagadala ng madami masyadong candles, malaman nila na nagkuha ko.
Sabihin mo lang ibigay mo kay Baby Jesus, e.
Tanga mo ‘ya uy, Christmas man si baby Jesus. Pag-Good Friday kay patay na Jesus .
Basta, pa’no ko man din malaman na hindi man ako nagapunta ng church? Ibalik mo lang yan ha. Palagi baya ginasabi ni papa na dapat palagi honest ang tao, bawal magnakaw, bawal mag-daya, bawal mag-sinungaling.
Nagsabi ng ganyan si papa, pero nagasinungaling man lagi siya? Last week nagsinugaling man lagi siya nung nagpunta ang Health Inspector, malinis daw itong bahay. Na naga-apak gud yun siya ng dalawang ipis nun.
Iba man yun kay gobyerno man yun. Hindi man kasali ang sinungaling sa gobyerno kay wala man yan sila pakialam kung mabait ko o bad, pera lang man saka license ang hanapin nila. Kung walang license, patay tayo
Ganun din si Jesus ‘ya e, para ding gobyerno. Wala siya pakialam kung bulag ka ba, may ilaw ba sa bahay. Nagbitay lang siya dun buong araw para tingnan ng mga tao, lagyan ng pera yung box niya, bigyan lang siya ng mga candle. Bakit hindi pwede maghiram ng mga candle para makastudy?
Ay bahala ka diyan. Sige ka salita wala man din pulos. Mag-study ka na diyan bago mag-uwi si papa.
Nagutom tuloy ako sige salita. Baba muna ako magbili kay Fat Girl, ikaw ‘ya?
Ayoko, busog. Makita ka gani ni mama na gakain na naman pagalitan ka talaga ba. Sige kain, matigas masyado ulo, para nang baboy kataba. Pag hindi ka magstudy mabagsak ka talaga sa exam. Ano man mangyari sa iyo sa buhay na matigas man masyado ulo mo, mataba pa?
Mag driver na lang ako gaya ni papa, o magtinda ng karne gaya ni ankel Leon, o siga-siga gaya ni ankel Sonny. Para kung maghingi na naman ang gobyerno ng pera, ipakulata ko lang sila sa mga badi-badi ko. Kung may mag buang-buang din sa iyo, ‘ya, o kay ate, kulatahin ko din.
Ow, maging siga ka, tapos kong madasmagan ka? Pag mapukpok yang ulo mo, mabutas, pa’no yan?
Di maging doctor ka kaagad ‘ya para kung kailangan ko ma-ospital matambalan mo ako. Tapos kung mag-ubo si Lolo matambalan mo din. Para din magkapera ka, may ilaw na dito sa bahay, hindi na kailangan maghiram ng candle kay Jesus.