Si Rakel ng Tawi-tawi

Poetry by | May 2, 2009

Bumuhos ang ulan
Isang takipsilim
Namatay si Francis M.

Sa tuktok, tawag ay Room C
Ngunit susi ay numero 303
Lumilipas ang gabi.

Di man lang patid ang umuugong na traysikel
Na laging natatanaw ni Rakel
May-ari ng hotel.

Habang si Mar at Lillian
Doon sa harapan
Nakatanaw sa hagdanan.

At hayun nga
Tapos na ang pagtunganga
May bisita galing Sanga-sanga.

Asalam Alaikum…
.Alaikum Asalam

Hanggang sa lumisan, bilin ang Sukran.

—-
Yev Honrade works with the Growth with Equity in Mindanao Program

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.