Sa bawat yapos
Ng lupa at yapak mo’y
Nais kong wasakin
Ang bintanang pinid sa
aking dibdib,
Ang idolong lumiliyab sa
busilak ng iyong tawa.
Handa akong malunod
Sa ningning at gulo ng
peryang
Dulot ng iyong mga mata.
Ako’y nagiging kandilang
Saglit na lamang ay
Magpapaalam na,
Sandali
Sandali
Sandali at
Ako’y isang tulisang biglang nakalaya
Dali!
Gapusin mo ako ng iyong
buhok,
At ang paghadlang ng mga
binti mo’y
Hindi ko subukang
labanan.
Sa bawat tilamsik
Ng bulong mo’y
Nais kong inumin
Ang lagaslas ng kulog,
Ang ningas ng umagang
Tinatampok ang
iyong Anino.
Ginagalugad ko itong
bilangguan
—Hanap-hanap ang
tanikalang
Nakakabit sa iyong Trono.
Ako’y tuliro.
Nasaan nga ba ang bibig kong laging
Kapos sa katas ng iyong
Bango?
Hindi ko mahagilap—
Mga labi kong ang luha’y
Salitang katig
sa dagat ng
tusong Tadhana.
O, maari ka bang
tumulong?
Hanapin natin
Ang mga halik kong
Pagala.
Sa bawat daplis
Ng sulyap mo’y
Nasusunog ang aking
balat,
sinasabuyan ng apoy
ang
apoy, at
binabanlawan ng dugo itong aking
mga sugat.
Nababasag ang aking
mga daliri
Sa laginit ng iyong titig-
higing.
(Hindi ko inakalang
ganito
Ang hapdi at lalim ng
hiwang dala ng
silakbo.)
O, maaari mo bang tanggapin bilang
barya
itong
aking
mga
kuko?
—-
Aissa Ang is taking AB Development Studies at Ateneo de Manila University.