Chocolate understands pain

Fiction by | September 21, 2008

“Never let the fear of striking out keeps you from playing the game.” What if na-strike ka na will you still play the game?

Maganda ang strike. Pag naka-strike ka sa bowling, ayos iyon. Isang part lang yan, no? ‘Wag mong lahatin. Bilog ang orange. Masarap. Maasim. Minsan matamis.

Bakit maganda? Huhu! My heart is crying now. I thought I’m starting to love life now because fate favors me, pero natatapos din pala ang lahat. Nasa itaas pa ako tapos bigla na lang mahuhulog. Ang sakit! Hindi ko pa nga nalalasap ang totoong sarap ng orange. Huhuhu!

Ganun talaga. Lahat ng bagay may dahilan. Kung natikman mo na ang kabuuang sarap ng orange, sa tingin mo ba ay mananabik ka pa dito? Ang pagbagsak ay nabibigay oportunidad para tumayo. Baka may mga nasa lupa na nakaligtaan mong mapansin. Halimbawa ay baka madulas ang sahig kaya ka nadulas at nahulog. mga simpleng bagay.

Gusto ko ng bitawan ang orange na matagal ko ng hawak-hawak. I want to love apple but I can’t let go of my orange! I still love the orange kahit maasim na.

You can’t have everything. Isa lang ang bibig mo. Isa lang ang puso mo. Di mo na kasalanan na hindi naging matamis ang orange mo. Maghanap ka na lang ng iba na masarap sa panlasa mo. You deserve something better.

Thank you. Pipilitin kong makahanap kahit I know mahirap. How i wish tomorrow or the day after next I can say “nakamove on na ako”. I’ve been doing this for years. I hope mahanap ko na this time.

Wag mong pilitin ang sarili mo sa pag-move on. Life is a process, not a choice. Parte ng buhay yan. May bukas pa. Marami pang bukas. May araw pang sisiliyan. Marami pang mga bunga.

Mahapdi ang sugat kapag nilalagyan ng Betadine pero ilang araw lang naghihilom na ito. I guess kelangan kong malasap ang hapdi para makamove on.

Tama. Walang ibang paraan. Ang hapdi ay panandalian lamang. Nasa iyo na yon kung sasaktan mo pa ang sarili mo sa pag-alala ng nakaraan. Hawak mo ang buhay mo.

Thank you but I want something for myself now. Something that won’t hurt me. I have to say I’m over him. Painful but kelangan kong kayanin. Sana makaya ko.

Alam mo kung ano ang kelangan mo? Faith. Faith in God.

I’ve been acquainted with God because of him. I learned to trust God because of him. At dapat si God pa rin ba ang makikita ko after this failure? If so, why did he let this to happen then?

Everything happens for a reason. He wants you to learn something and you chose to learn it the hard way. Maybe He is trying to point something out.

What is that? I’m tired of waiting to know that something, that reason and the “it”! I’m tired of pretending I’m fine though deep inside I’m not. When I smile, nobody knows my heart is crying.

Ayon ang mali. Don’t wait. Do something. Sa mga bagay na ginagawa mo, may isang tao na makakapansin nun.

Thank you for listening. Sige salamat. Gusto mo chocolate?

Opo. Gusto po.

Sige bukas dala ako ng chocolates. Kain tayo. Salamat ulit.

—-
Sheila Lisondra is a Creative Writing student of UP Mindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.