Pugay Kamay!

Nonfiction by | April 24, 2011

Minsan naitatanong ko sa sarili ko at sa Diyos: May dapat ba akong ipagpasalamat sa buhay?

Teka, meron nga ba?

Kung sa bawat sikat ng araw sa umaga, ang dapat mong isipin ay kung paano ka kikita at mabubuhay. Na kahit anong paghihirap mo ay parang pinaglalaruan ka lang ng tadhana ng buhay. Na sa lahat ng hirap na iyong dinanas mula pa pagkabata ay wala man lamang ginhawang natamo. Nagtagumpay ka nga, pero sobrang pagtitiis naman!

Continue reading Pugay Kamay!

Lagalag

Poetry by | December 19, 2010

Hampas ng hangin ay lubhang malakas
Buhos ng ulan ay sobrang bigat
Subalit walang madamang lamig
Walang patak na bumabagsak.

Dahon ng anahaw ay humahampas
Katawan ng kawaya’y pilit umiiwas
Ngunit walang marinig na lagaslas
Kawayang payat langitngit ay ingat na ingat.

Ganyan ka sa iyong pag-iisa
Manhid at walang madama
Pinagmulan ay pilit mong kinalimutan
Kinabukasan ay pilit mong tinatakasan.

Namnamin mo sakit ng iyong kamanhiran
Tiisin mo sugat ng iyong nakaraan
At sa sulok ng iyong kaibuturan
Matutuklasan mayroon kang masasandigan.

Hindi ka nag-iisa kaibigan
Sa kamay Niya’y ‘di ka pababayaan
Minsan pa’t muli mong balikan
Buhay mong sa Kanya dapat laan.

—-
Si Ruel Soriano ay nagtuturo sa Ateneo de Davao University.

Tuldok ng Isang Guro

Nonfiction by | October 17, 2010

Tandang – tanda ko pa ang paboritong itanong ng aking mga guro noong ako’y nasa elementarya pa lamang. Tanong na paulit – ulit pinagagawan ng isang sanaysay sa aming mga mag-aaral lalo na pag umpisa ng pasukan, o di kaya’y wala nang maisip pang ituro ang guro o di kaya’y pagod ang kanyang lalamunan sa pagpapaliwanag ng kung anu-ano.

Ang tanong na: Ano ang gusto mong maging paglaki mo? At bakit?

O, di ba napaka simpleng tanong pero gugugulin na ng mga mag-aaral ang kanilang buong oras sa pagbuo ng komposisyon tungkol dito. Kung minsan pa nga ay magiging takdang -aralin pa dahil sa hindi matapus-tapos ang komposisyong ginagawa sa klase.

Continue reading Tuldok ng Isang Guro