Ang Bituin Ng Masa

Poetry by | August 17, 2014

(Alay kay Ate Guy)

Pagkalikha’y ayon sa aming kulay
Sa sukat na aming kapantay
Sa amin di kaiba ang buhay
Ikaw ay kauri’t kaugnay

Sa iyong pagkinang
Nabago ang pagtingala
Dati’y nasa langit
Ngayon nasa lupa

Iyong tinig
Ay aming himig
Ginintuan sa pandinig

Sa iyong mga titig
Kahit walang tinig at pandinig
Kaluluwa’y naaantig

Iyong kahinaan, iyong kalakasan
Iyong pagbaba, iyong pag-akyat
Iyong kasawian, iyong tagumpay
Iyong larawan ay sambayanan
Mahugnay ang kaunlaran
Daang taong inaalipin
Kasawian pighati’y iyong inangkin
Pag-asa’t pangarap nagpapaningning

Sa paglisan ng ginintuang tinig
Hayaang magpahayag likhang sining
Hayaang pagtanggi’y iyong angkinin
Pambansang Alagad ng Sining
Nang masa’y patuloy matanglawan ng ningning


Mr. de Vera is a veteran Davao-based artist. He began his career sculpting wood and stone but later gravitated to painting watercolor, oil on canvas, and even lacquer acrylic.