Vigilante

Play by | May 18, 2014

vigilanteTauhan:

Jaime Villareal, 19
Bobot, 32
Alfonso Almeda, 27

Pook: Isang kanto sa baryo na malapit sa bahay ni Alfonso

{Music}

(Nakaupo si Jaime at Bobot sa harap ng isang maliit na mesa. Kararating lang ni Jaime na may dalang tasang may kape, habang si Bobot ay umiinom mula sa isang bote ng alak.)

BOBOT: Hoy, ano sa tingin mo ang ginagawa mo, bata?

JAIME: (nininerbyos) Ah, nagkakape po.

BOBOT: Bata, mas lalo ka lang ninerbyosin sa kape. Teka, ikukuha kita ng isa pang bote. Di naman malayo yung karinderya. (Magsisimulang tumayo si Bobot.)

JAIME: Ah, huwag na po, Sir. Okay na ako. Sanay naman ako na magkape kapag kinakabahan, tulad na lang kapag nag-re-review ako para sa exam.

BOBOT: Aha! Iyan ang gusto ko! Parang exam lang nga ang gagawin natin ngayon. Hep, hep, ako ang ga-grado sa iyo, kaya pagbutihan mo, Jaime..Jaime ano? (Tatango si Jaime.)

BOBOT: Teka, bata, talagang nakapag-aral ka?

JAIME: Nakapagtapos po ako ng haiskul. Tapos kurso sa TESDA, computer hardware repair.

BOBOT: Ah, wow! Ang talino mo pala talaga! Pero alam kong kinakabahan ka. Chill ka lang! Kaya nga nagkukuwentuhan tayo ngayon. Ito talaga ginagawa ng mga boys bago ang gig. Di ka ba sinabihan ni Anton tungkol sa SOP namin? (Tatawa si Bobot habang sinusuri ni Jaime ang paligid.)

JAIME: Di po ba parang medyo malakas ang boses nin— . . . Mga boses natin?

BOBOT: Yun nga! Pagsususpetsahan tayo kung para tayong mga patay na nakatambay at di nag-iimikan. SOP namin yan. Magkuwentuhan. Mag-inuman. Parang wala lang. Plus, mas mare-relax ka pa kung ganito, chill ka lang bata. Sigurado kang ayaw mo? (Iaalok ni Bobot ang kanyang bote.)

Continue reading Vigilante