Tahud Asil

Poetry by | July 19, 2009

Based on the epic Magindala: Mutya ng Daraanwan by Don Pagusara

Hihiga-higa
Sa may dalampasigan ng lawa
Mga huni ng ibon sa puno
Nakaaantok, Nakasasawa

Sa katahimikan ng umaga
Tataghoy ang plawta
Aawit ang Mutya
At magsisimula ang eksena

Ang mundo’y kinulayan ng puti at pula
Kaya’t eto ako, nakalawit ang dila
Mga tuhod nakapiko, mga paa nakabukaka
Sa pagganap sa papel, eto, handa na

Ayun siya, anak ni Kuhila
At eto ako, ang papel ay manguha
Ng puri, ng isda, pati ng kaluluwa
Eto ako, laruan ng tadhana

Ang mundo’y kinulayan ng puti at pula
At ako’y nilugar sa pangal’wa
Kaya’t eto ako, isang kontrabida
Demonyong likha ni Don Pagusara

Tingala, yuko, kanan, kaliwa
Dungaw, hiyaw, ilawit ang dila
Isalubong ang kilay, palakihin ang mata
Ipakita sa mundo ang ‘yong pagnanasa

Kubli, hiyaw, isabay mo sa plawta
Ayan na, dibdib, sa mundo’y ipakita!
Lumapit, lumapit, mukha’y pagnanasa
Hila! Harap! Ika’y manggahasa!

Wala na. wala
Laro ni Bathala
Pati pagsikat ng araw minani-obra
Si Magindala’y puti, ako ay pula
Siya magwawagi, ako’y mapipinsala

Eto ako, nilikha ni Magbibaya
Upang puksahin ng Daranawang dakila
Laruan lamang ng maawaing Bathala
Kakataying tupa sa paghuni ng Plawta

The Wall

Fiction by | April 26, 2009

the-wall
If my malicious stares had been able to do him some damage, he would have fallen a long time ago…

That wall has stood there for as long as I could remember. I don’t know why, but the other people do not seem to be even remotely bothered by his presence. I, on the other hand, am driven to what one might surmise as insanity by that accursed structure of brick.

Continue reading The Wall