Swaki

Poetry by | November 28, 2022

Excited na ako maging abo.
Pag huyupan ako ni God
Maka abot ako sa langit
Pag mag aksyon ulan
Suyupin ako ng ulap
Ibuhos ako sa dagat
Malunod ako sa balas
Kainin ng swaki
Ang swaki harbisin ng Badjao
Ibenta sa foreigner
Masarapan siya mag supsup
Masarapan siya mag higop
mag bili pa siya ng madami
Ubusin niya lahat ng Swaki
Mag bring home pa siya
Ipansak sa icebox niya
pauwi sa Iceland
sa pinsan niya si Bjork
Sa wakas! ma hug ko na si Bjork.


Gi panganak si Gerald Castillo Galindez aka G!K noong nabungkag ang Berlin Wall at nabuo ang Eraserheads. Ang Klaro na Masyado: Poems in Kabacan and Tacurong Tagalog, 2020, Kasingkasing Press ang pinaka una niyang koleksyon ng mga tula at ang From Kabacan-Buluan-Tacurong, With Love, 2021, Bigkas Pilipinas Entertainment ang una niyang Spoken Word EP. Kasama ang tulang  “Swaki” sa bago niyang zine na may pamagat na Trench Lights and Other Poems.