Hanap Buhay sa Gabi

Poetry by | August 25, 2013

Sa gabing dapat tulog
ay nagbabanat ng buto.
Dahil minuto’y ginto
sa nagsasakripisyo.
Kaya kinaumagahan
nagmumukhang tamad.
Mata’y ‘di mamulat
sa liwanag ng araw.
Ngunit ‘wag pong husgahang
may sakit ng katamaran.
Porke katawa’y nalatag
sa higaang inaasam.
Sadyang buwis-buhay lang
ang gabing kabuhayan.
Nang ATM malagyan
ng nangangailanagan.


Frank David Bayanon is a student of the University of Southeastern Philippines-Mintal taking up Public Administration.

Sa Barya'y kumakapit

Poetry by | December 30, 2012

Sa bawat hakbang,
sikmuray kumakalam.
Sa bawat sayaw ng lata’y
minimithing barya ang inaasam.

Sa kalagitnaan ng daan,
silay nagmamanman.
Kung sinong may alam
na silay nangangailangan.

Sa sira-sira nilang damit.
ay nakasuot ang minimithi.
Na silay mapawi
sa kahirapang kay sakim

Hindi sila inutil,
kung sa barya’y sila nakatingin.
Sadya lang mapait
ang pagkakataong marikit
kaya sa barya sila’y nakadikit

Sa mga may barya,
na winawaldas ng pa sadya.
Ang walay gumiginhawa,
sa baryang itinapon sa kanila.

Kaya hanggang ngayo’y
latay inaaliw.
Nang mahulugan ng pasadya
ng barya’ng may kaya.

Ang Kumot Ko

Poetry by | July 17, 2011

Siya’y sa tabi ko,
Sa pagtulog ng katawang ito.
Bumabalot
Sa kaluluwang nilalaman ng panahon.

Handang pahiran,
Ang malunkot kong luha.
Pati laway’t sipon,
Handang pagsaluhan.

Siya’y kasangga ko,
Laban sa lamok.
Nagging saplot ko,
Sa katawang walang suot.

Siya’y sumalo,
Sa pangungulila ko.
Kunwari’y yumayakap,
Sa katawan na parang linta.

Siya ang kumot ko,
Na nasa tabi ko.
Handang balutan ako,
Sa aking pagtulog.

–-
Frank David Bayanon is a student of the University of Southeastern Philippines-Mintal taking up Public Administration.