Isa Pa

Poetry by | October 17, 2022

Paos na
Ngunit mga anino’y walang pandinig
Uhaw na halamang
ilang taon na ring walang dilig
Binibilang
ang bawat segundong nagdaan
Nakabibingi pala
ang dagundong ng orasan

Hindi.

Ginusto ko lahat ng labanan.
Kagustuhan kong mabingi.
Kagustuhan kong mabulag.
Kagustuhan kong mabasag.

Masarap.
Sobrang sarap.
Lasap na lasap.

Dugo, buto at patak.

Oo.

Hinahanap at hindi masaklap.

Nais ko nang magpahinga.
Matulog ng maaga.
Pumikit ng tuwina.

Isa pa.


Si Eric Michael ay nagsusulat mula sa pagitan ng liwanag at kadiliman ng Iligan.