Sa panahong delikado,
Nagkakilala tayo.
Ngunit ito’y dehado
Dahil hindi naging tayo.
Sa isang paaralan,
Nagtagpo ang ating landas.
Isang programa ang dahilan
Kung bakit ako’y umibig nang walang kupas.
Ikaw ang masayang pumalit
Sa mundo kong puno ng pasakit,
Ikaw ang gumuhit
Sa mundo kong puno ng pait.
Ikaw ang nagbigay ng kulay
Sa aking buhay.
Ikaw ang umukit
Sa ‘ting kinabukasan nang nakapikit.
At ako naman ay sumasayaw
Upang masabi ang aking nararamdaman
At pilitin ang mga labi na bitawan
Na sana maging tayo balang araw.
Ngunit sa paaralang ito,
Natapos ang ating kuwento
Napilit kong nilalaban at binuo
Kahit na sagad na sagad na ako.
Sayang tayo,
Dahil naging multo ka sa kuwento.
Sayang tayo,
Dahil ako ang unang sumuko.
Sayang tayo,
Dahil napagod akong umasa.
Sayang tayo,
Dahil ang mga pangako mo ay napako.
Kaya sayang tayo.
Norvelyn L. Cagang is from New Corella, Davao del Norte. Currently a second-year student, she loves dancing and reading, and is now exploring the world of writing. This is her new hobby and her way of expressing her feelings in different aspects of her life. She hopes to make more poems from this day forward.