Pagpag kon Kandado

Fiction by | September 21, 2026

Ang inosenteng batang maraming katanungan – mga tanong na minsan may sagot, minsan wala, at minsan napag-iiwanan ng misteryo. Sa puntong ito, siya’y napatanong: saan papunta?

Lugar na balot ng halaman. Tahimik. Masyadong tahimik.

Paglabas ng ni-rentahang sasakyan, napunta siya sa lugar na maraming taong nakikilala, ngunit hindi niya kilala.

Pa, asa man ta karon?
Naa ta sa balay sa igsuon sa imong lola, nak.

Nag-usisa ang bata sa paligid. May mga taong masaya sa muling pagkikita, mga taong wari’y ngayon pa lang nagkakakilala, at may ibang kalungkutan na lamang ang dala. Ngunit ang mga emosyong ito’y nagtatapos sa pagluluksa.

Maraming sasakyan ang nasa labas. Mga taong nakasuot ng puti, kabilang na ang kanyang pamilya.

Oh, sa mga tagtungod, pwede mo mosakay diri sa van. Mga anak, apo, igsuon.

Sa isang sasakyan na may puting kahon sa loob, nakita ng bata ang kanyang lolang sumakay. Walang pag-aalinlangan, bumaba siya at sumabay sa kanyang lola, naiwan ang kanyang ama’t ina.

Sa hindi umabot ng isang oras, inilagay ang puting kahon sa isang sementong kahon. Sa paligid, ang mga pighati ay nagluluksa. Sa kabilang banda, may mga kapamilyang namimigay ng pagkain.

Dahan-dahang lumapit ang bata. Kumain siya.

At nang oras na ng pauwi, habang umaandar na ang makina ng sasakyan, may isang batang kumakain pa rin.

Day, hutda nana. Ayaw na dalaa sa balay kay bawal na, mag-kadena!

Hindi niya naintindihan.

Ilabay nana, dalia ayaw na hutda! Dili mag-ana kay ang mahitabo ana, mag-kadina ang atong pamilya. Magsunod-sunod ang patay. Dili mo motuo? Pag tuman nalang mo.

Nang gabing iyon, pag-uwi nila, napansin ng bata ang isang puting kahon sa kanilang sala.

Hindi niya alam kung saan iyon nanggaling.

Ngunit bago siya matulog, may narinig siyang kumakatok mula sa loob.

Tok. Tok. Tok.


Jennedy Juezan was born and raised in Davao City and has always loved writing about the romanticized realities of urban life. Since pursuing her Master of Arts in Literature, she has been exploring her identity as a writer and discovering new ways to express her perspective through literature. Along the way, she found herself drawn to the art of flash fiction, where she captures emotions, moments, and stories in a few carefully crafted words.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.