maingay ang lamok sa
labas ng kulambo
tinatangkang pasukin ang
kalayaan sa loob
alam niya ang nakaambang
panganib
pero nagpupumilit pa rin
siyang pumasok
para lamang makasipsip
sa katawang humihilik
dahil kung habang buhay siyang
mananahimik
walang mangyayari.
Si John Rey T. Gaballo ay nilalang na inukit sa pusod ng lungsod Heneral Santos. Nag-aaral siya sa Mindanao State University- General Santos City (MSU-Gensan). Nagsusulat siya ng mga tulang umiikot sa sarili, karanasan, at pagwasak sa nakasanayan.