Kung Nagkataon

Poetry by | July 26, 2015

Hindi ko inasahan, hindi pinaghandaan
Mga sumunod na oras na nagdaan
Tila ba wala akong makita sa’king harapan
Maliban sa karera ng rumaragasang ulan
Sa konting panahon na naiwan,
hanggang sa araw ng iyong paglisan
Sana ay lagi mong pakatatandaan,
walang rason para ika’y makalimutan
Kahit pa labag man ito sa aking kalooban
Pagtutugma ng mga salita’y aking sinubukan
Sapagkat alam kong ito lamang ang paraan
Upang mas lalo mong maiintindihan
Hindi na kailangan pang mangatwiran
Na sa iyong pag-alis ay kalungkutan
Kung nagkataon na tayo’y pinagbigyan
Pangako kong ika’y aking iingatan
At kung nagkataon na iyong mamalayan
Ang paglipas ng mga taon ay mabilisan
Kung nasa hinaharap ang ating kapalaran
Kung nagkataon, pwede na ba nating ipaglaban?


Monique is a student at UP Mindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.