I. (Th)
Tha thilong
ng maaliwalath
at athul na alapaap
mayroong nagthuthumikap
thabihin
ang mga thalita
thubalit madalath
ay math
guthto na lamang
tharilinin
II. (Sh)
Umagosh
ang lagashlash
ng naghihilamosh
na talampash
habang ang batish
ay naglalanggash
ng kanyang galish
III. (Fh)
Ang bigafh
ng Pilipinafh
ay mafh mafharap
kefha fha
pafhta;
mafh mafhufhtanfhia
kefha fha
fhiomai;
fhubalit mafh mahal
dahil kapofh
fha panfhaing
na langifh
fhanhi ng fhinungaling
na krifhifh
IV. (wh)
Ang kapalawhan
at kapangyawhihan
pawha sa mas nakawhawhami
ay sa pangawhap
na pawhaiso
lamang mawhawhating
at mawhawhanasan.
V. (Kh)
Khumakhagasang pakhang khabaw
ang pinakamakhikhikit na pikhaso
ng tkhapo
na magpapakhaya
sa khukhok
ng makhiwasang
pakikhamdam
ng pakhalisadong
pakhabula ng
pakhikhala
—
Si Arjay N. Viray ay ang kasalukuyang tagapagsanay ng Ateneo de Davao University Glee Club habang nagsisilbi ring guro ng mga kursong Humanidades at Edukasyong Pansining at Musika. Kamakailan ay napili ang kanyang akdang diyona sa mga buwanang nagwagi sa isang timpalak-tulaan ng isang social networking site sa pakikipagtambalan sa LIRA.