Mas mahimbing tulog ko sa sala
Sa sahig, upuan o sofa
Ikaw may babangungunit
Ikaw ri’y magigising
Pinipilit binubuka
Ang matatamlay na mata
Pilit ginigising ang isipan
Upang magsaing ng tubig sa umaga
Mga bitwin sa gabi naninigas pa
Mga mansta sa bangin ng bunganga
Mga asin sa labi tuyong –toyo na
Ayaw ong magsalita nangngamoy ang bunganga
Nakatayong tasa
Palubog na kape
Daloy ng tubig
Natutunaw’ng asukal
Dahan-dahang sinasagi
Ang manit na kape sa labi
Dahan-dahang sinasagi
Mainit na kutsara sa labi
Sumasayaw ang usok sa ere
Palaroy-laroy ang kaluluwa ng kape
Nanainaginip ng wala
Nag-iisiip subalit nakatung-nga
naghihintay ng wala
nakatingin sa bawat isa
Walang imik, walang salita
Babangilan ang gutom sa sikmura
May tinapay
wala namang palaman
hindi mapalagay
Ilu-lob- lob nalang ang pan
Sumasayaw ang usok sa ere
Palaroy-laroy ang kaluluwa ng kape
Nanainaginip ng wala
Nag-iisiip subalit nakatung-nga
—
Sunod-sunod ang timpla ng kape ni Noy Narciso sa Catalunan Grande.