Bangon

Poetry by | November 24, 2013

Maraming naanod na bahay.
Kasingdami ng mga nawasak na buhay.
Lupang dating sagana sa likas na yaman.
Nagmistulang isang malawak na libingan.

Niragasa ng baha ang buhay na nananahimik.
Binasa ng ulan ang mga batang walang imik.
Nilamon ng dagat ang bawat pangarap.
Nawalan ng silbi ang bawat pagsusumikap.

Sa pagkakadapa ay muli nating ibabangon.
Mga bayang nasalanta’y iaangat sa pagkakabaon.
Nangangaylanga’y tutulungan natin ngayon.
Upang kaginhawaa’y makamtan sa madaling panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.