Sa Panahon ng Internet at Cellphone

Poetry by | December 9, 2012

Ipinagbubunyi natin ang pagdagsa
Ng mga gadyet na tila infusyon
Nating ikinakabit sa ating mga ugat.
Sapagkat kundi man tayo iga
Sa tango at pansin ng mga kakilala
Ay takot tayo sa mga sandali ng ating pag-iisa.
Kinakabahan tayong manatili sa isang silid
Na istakato lamang ng ating pulso at dibdib
Ang mauulinig sa kinasasadlakang paligid.
Kaya sa halip na ang isip ay makikumpas
Makidama sa pagitan ng bawat paghinga
Pagbubulaybulay at pagkilala sa pagkatao
Ay abala tayo sa pagpindot ng mga teklado
At pagbuo ng mga niritokeng teksto’t litrato
Gayong kinakatay lamang natin ang saysay
Ng ating mga panaginip at paglalakbay ng malay.


Edgar Bacong studied AB Sociology at the Ateneo de Davao University, and now lives in Zurich, Switzerland.

One thought on “Sa Panahon ng Internet at Cellphone”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.