“Dito na lang ako. Mgkita na lang tayo bukas,” paalam ko sa aking mga kaklase.
“Bakit dito ka lang? Parehas lang naman tayo ng ruta na sinasakyan, ah?” Tanong ni Jackie na isa sa pinakamalapit kong kaklase.
“Ay, may pupuntahan rin kasi ako.” Pangiti kong palusot sa kanila. Nakakahiya kasing sabihin sa kanila na kulang na naman ang aking pamasahe. Ilang ulit na rin nila akong pinautang ngunit hanggang panaho ito’y hindi ko pa rin nababayaran.
“Sige! Mag-ingat ka diyan, ha.” Sabay nilang binigkas sa akin.
Nang ako’y humiwalay sa kanila ay binaybay ko ang isang napakatahimik, at walang katao-taong daan sa Aurora. Wala masyadong tao na nagdaraan dito. Napakadilim pa ng lugar na ito kahit alas-singko pa lang ng hapon. Kasi nga naman, walang ni isang poste na magliliwanag kahit sa isang bahagi man lang ng lugar. Kaya walang tao na tumitira sa lugar na ito. Pero ito lang ang daanan na medyo malapit sa aming tinitirhan.
Habang nilalakad ko ang naturang daan, narining ko ang isang ingay ng sasakyan na nasa aking likuran. Nilingon ko ito, at sa aking paglingon bumungad sa akin ang nakaka-bulag na liwanag. Nang ito’y papalapit sa akin, isang itim na Expedition ang umaninag.
“Miss, sa’n ka papunta? Pwede ka bang sumabay muna sa amin?” Sambit ng isang lalake na naka-sakay sa Expedition. Tatlo sila na naka-sakay, puro lalake; ang isa’y payat na medyo maitim, ang isa nama’y mataba at balbas-sarado, at ang isa ay kalbo, maputi at matipuno ang pangangatawan.
Hindi ko sila pinansin nang ako’y kanilang sundan. Nagpatuloy lang ako sa’king paglalakad nung panahong iyon ngunit binilasan ko lang ng konti at nilakihan ang aking mga hakbang.
“Suplada ka, miss, ah! Alam mo ba’ng naiirita kami sa mga suplada!” Sindak ng isang boses mula sa loob ng Expedition.
Hindi ko na namalayan kung sino sa kanila ang sumambit nu’n. Grabe na kasi ang takot na nadama ko ng panahong iyon. Patuloy lang ako sa aking paglalakad kahit na hindi sila tumitigil sa pagsunod sa akin. At ang kaba na aking nadama nung panahong iyon ay tumindi pa ng tumindi. Kaya nagdesisyon akong tumakbo papalayo sa kanila ngunit hinabol nila ako. Hindi naglaon ay naipit nila ako, dahil nalagay ako sa isang lugar na walang malulusotan. Tinangka kong manlaban sa kanila upang makatakas ngunit ako’y nabigo. Hindi kaya ng lakas ng isang babae na lumaban sa tatlong lalake. Sinuntok nila ang aking tiyan na naging dahilan upang ako’y mawalan ng lakas.
Nang magtagumpay silang tatlo, agad nila akong binuhat at ipinasok sa loob ng Expedition. At nang ako’y maipasok, sinimulan na nila ang kanilang masamang balak sa’kin. Dahan-dahan nilang hinubad ang aking uniporme, at isinunod ang aking bra at panty, pagkatapos ay nadama ko na ang kanilang mga kamay na kinakapa ang maseselang bahagi ng aking katawan. Ang kanilang mga dila na dahan-dahang binabaybay ang buo kong katawan. Lahat ng kababuyan ay ginawa nila sa akin habang tumatakbo ang kotse. Gusto ko man’g lumaban at sumigaw ngunit wala rin naman akong magagawa – tinanggalan na nila ako ng lakas. Tanging pag-iyak na lang ang aking nagawa, habang sila’y tumatawa sa kanilang ginawang kahayupan sa akin. Para akong napaligiran ng mga demonyo nung panahong iyon dahil sa kanilang mga halakhak.
Lumipas ang ilang minuto, aking namalayan na tumigil ang kotse na aming sinasakyan. Akala ko sa pagtigil ng kotse ay titigil na rin sila sa kanilang pambababoy sa akin ngunit isa lang pala iyong malaking akala. Dahil pagtigil ng kotse ay du’n na nila ako pinagsamantalahan ng pinagsamantalahan. Tinusok-tusok nila ang aking pagkababae bago sila nagpalit-palit ng pagpatong sa akin. Habang may nakapatong sa aking ng panahong iyon ay may mga kamay, dila at daliri din akong nararamdaman sa aking katawan – pinaglalaruan ang aking pagkababae. Napakatagal nilang nagsawa sa kanilang kahayupan na ginawa sa akin.
Ilang oras ang lumipas, hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa aking sarili nu’ng panahaong iyon. Akala ko nga patay na’ko nu’n. Wala na rin kasi ako sa tamang ulirat nu’ng panahong iyon. Nung sila’y magsawa sa kanilang kahayupan, naramdaman ko na isinuot nila ang aking mga damit maliban sa aking panty. Pagkatapos ay binuhat nila ako pababa ng kotse at ipinuwesto nila ako sa isang bakante at madamong lote. Walang reaksyon na lumabas sa akin nu’n, nakatunganga lang ako na nakatanaw sa langit na nagbubukang liwayway. Hindi ko na naramdaman ang kati ng damo na aking hinigaan. Hindi ko na naramdaman ang lamig ng simoy ng hangin. Hindi ko na talaga naramdaman ang lahat sa aking paligid.
Matagal na oras din akong nakaratay sa lugar na iyon. Hindi ako gumalaw, parang patay lang na itinapon sa lugar na iyon. Hindi ko na inisip na may makakakita pa sa akin nu’ung panahong iyon – wala ng pag-asa na nakataga sa’king isipan. Sa tagal ng aking pagkaratay sa lugar na iyon, narinig ko ang kaluskos ng mga damo na hindi simpleng gawa lang ng hangin. Ngunit hindi ko ito pinansin, hanggang sa may narinig akong bulong.
“Patay?” Nagulat na boses. Nilingon ko ito – isang lalake na naka-suot ng itim na jacket ang aking nakita. Matangkad siya, maputi ang mukha at parang magka-edad lang sila ng aking Kuya.
Sa aking paglingon sa kanya, napasigaw siya at ang kanyang mukha ay halatang takot na takot. Halos mapatakbo nga siya ngunit hindi niya itinuloy bagkus ay nilapitan niya ako at tinanong.
“Bakit ka dito nakahiga? Ano pala ang nangyari sa’yo?”
Tanging pag-iling at pag-iyak ang aking naitugon sa kanya. Sa nasaksihan niya sa akin, alam na niya siguro kung ano ang nangyari sa akin. Dahil siguro du’n naisipan niya akong tulungan at isinakay niya ako sa kanyang motorsiklo. Hindi ko kilala ang naturang lalake na tumulong sa’kin. Hindi ko rin alam kung saan niya ako dadalhin pero sumama pa rin ako sa kanya.
“Bahala na!” Sabi ko sa’king sarili nung panahong iyon.
Ilang minutong biyahe ang nakalipas, itinigil niya ang kanyang motorsiklo sa isang presinto ng pulis. Hindi ko maintindihan ang aking naramadaman nung panahong nasa harap na kami ng presinto.
“Bakit mo’ko dinala dito? Inuwi mo na lang sana ako sa bahay namin.” Sambit ko sa kanya.
“Ha! Bakit naman, ayaw mo ba’ng isumbong yan’g nangyari sa’yo?” Nag-aalalang niyang tanong.
“Basta! Gusto ko ng umuwi. Hinahanap na’ko ni Kuya ngayon!” Iyak ko sa kanya.
“Natatakot ka ba na isumbong ang nangyari sa’yo?”
Sa tanong niyang iyon, naramdaman ko ang kanyang sinseridad na ako’y matulungan. Ngunit ang bagay na umiikot sa’king isipan ay ayaw ko nang malaman pa ng ibang tao ang nangyari sa’kin. Ayaw ko kasing mapahiya ako at si Kuya kaya gusto ko na lang kalimutan ang nangyari.
“Huwag kang matakot na magsumbong, hija. Mamimihasa yun’g mga taong iyon kapag hindi ka magsumbong. Hindi isang simpleng bagay lang ang kinuha nila sa’yo, pagkatao at dignidad mo ang kanilang ninakaw. Kailangang mabigyang hustisya ang ginawa nila sa’yo,” sambit ng lalake sa’kin.
Dahil sa kanyang mga nasabi at sa kanya na ring sinseridad na tumulong, nakumbinse niya akong magsumbong. Kahit masakit sa aking loob na isipin ang kahayupan na nangyari sa akin.
“Sige! Pero sabayan mo ako?” Alinlangang sagot ko sa kanya.
“Tara, pasok na tayo sa loob.” Aya niya sa’kin papasok ng presinto.
Pumasok kaming dalawa sa loob, at pagpasok namin lumingon sa amin ang isang maputi at matangkad na bababeng pulis. Sinalubong niya kami sa may pintuan.
“Anong maipaglilingkod namin?” Bati niya sa amin.
Hindi ko napigilan ang aking sarili nung panahong iyon. Napaiyak ako sa kanyang harapan. Pinatahan naman ako ng aking kasama pero hindi ako natigil sa pag-iyak. Pumasok na naman kasi aking isipang ang nangyari sa akin na kahayupan na siyang kumikirot sa’king puso. Nakalimutan ko naman sana ito bago kami pumunta dito pero ang hindi ko maintindihan kung bakit bumabalik-balik siya sa akin.
“Sa opisina ko na lang tayo mag-usap.” Sabi ng babaeng pulis na sumalubong sa amin. Naramdaman niya siguro mula sa aking pag-iyak ang sakit na aking dinadala. Nung panahong iyon ay dinala niya kami at pinapasok sa loob ng kanyang opisina. Hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak at di nagtagal ay humagulhol na ako. Pina-upo niya na lang ako ng pulis sa kanyang upuan malapit sa kanyang mesa dahil hindi naman ako nakakausap nung panahong iyon. At ang kasama ko na lang ang kanyang kinausap.
“Kilala mo ba siya?” Unang niyang tanong sa aking kasama?
“Hindi po. Nakita ko lang kasi siya sa isang bakanteng lote sa may Marfori.” Sagot ng aking kasamang lalake.
“Marfori? Sa isang madilim na bahagi ba ito mo siya nakita?” Sunod na tanong niya.
“Opo. Du’n sa isang banda kung sa saan grabe na kahaba yun’g mga damo. Akala ko nga patay na siya nung unang kita ko sa kanya.” Salaysay niya sa pulis.
“Paano ka napunta du’n?”
“May pasahero kasi akong hinatid sa unahan ng lugar na pinangyarihan. Nung hinatid ko ang aking pasahero sa lugar nila, nakita ko na may dalawang lalake na buhat ang isang babaeng wala na sa katinuan. Ibinaba nila ito mula sa isang itim na Expedition. Ipinwesto nila siya sa isang bakanteng lote, at inilugar talaga du’n bahagi na may mahahabang damo kung saan hindi siya basta nakikita ng tao.”
“Paano mo naman nalaman iyon?”
“Pagakatapos ko kasing maihatid ang aking pasehero ay agad kong binalikan ang lugar na pinaglagyan ng babaeng ito.”
“Namukhaan mo ba sila?”
“Hindi masyado, ma’am. Nakatalikod kasi sila nung makita ko.”
“Nakuha mo ba ang plaka ng kotse?”
“Opo! LXY 398 po iyon.”
Habang sila’y nag-uusap ay patuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha. Wala akong pakialam kung anuman ang sabihin nila sa’kin.
“Pangalan mo, hijo?” tanong ng pulis.
“Jake Obligasyon po,” sagot niya.
Sandaling natigil ang kanilang pag-uusap dahil may kinuha ang babaeng pulis sa kanyang mesa, malapit sa aking kinauupuan. Nang lumapit siya sa mesa, nakita niya ang isang bagay na nakabitin sa bulsa ng aking palda.
“Pwede ko ba’ng matingnan ito, hija?” Pangiti niyang tanong sa akin. Hindi ako kumibo. Kinuha niya ang bagay na iyon mula sa aking bulsa. At nung nakuha niya na ito, ang ID ko pala ‘yon. “Lovely Reyes pala ang pangalan mo?” Sabay ngiti sa akin. Nakalagay din du’n sa aking ID ang adres ko at pati numero sa cellphone ni Kuya Junar.
“Handa ka ba’ng tumestigo kung sakaling aabot ito sa korte?” patuloy na tanong ni Ma’m, habang nakatayo siya sa’king tabi.
“Opo, ma’m. Handa po ako.” Sagot niya kay Ma’am.
“Sige, itala na natin ang mga sinabi mo.” At isinulat na ni Mam ang salaysay ng aking kasamang lalake.
*
Ilang oras din akong naka-tengga sa loob ng opisina ni Mam. Hindi ako halos gumagalaw sa loob ng kanyang opisina. Pati nga pagkain na kanilang ibinigay sa’kin ay hindi ko ginalaw. Nakatunganga lang talaga ako buong maghapon at hindi pinapansin kung anuman ang nasa aking paligid. Lumipas ang ilang minuto, nakita ko si Kuya sa labas na papunta sa opisina ni Ma’am. Natuwa ako nung nakita ko siya at medyo sumigla ako nung panahong iyon. Pagpasok niya ng opisina ay dali-dali niya akong niyakap.
“Anong nangyari sa’yo? Ina’no ka ba nila?” Iyak sa’kin ni Kuya na may tonong galit.
Tanging pag-iyak lang ang itinugon ko sa kanya. At nung panahong iyon ay niyakap ko siya ng mahigpit. Ilang segundo ang lumipas ay pumasok si Ma’am sa loob ng opisina.
“Ikaw ba ang kapatid ni Lovely?” Tanong ni Ma’am kay Kuya habang kami’y nagyayakapan.
“Opo, ma’am.” Sagot ni Kuya, sabay bitaw sa’kin at hinarap si Ma’am.
“Upo muna kayo.” Sambit ni Ma’am.
Umupo naman kami at umupo din siya malapit sa amin. Sa pag-upo namin ay niyakap ko ng mahigpit ang aking kuya. Siya na lang kasi ang nag-iisang tao na naiwan sa akin. Nung mamatay kasi ang aming mga magulang dahil sa isang trak na bumangga sa sinasakyan nilang motor, si Kuya na ang tumayong magulang ko. Isinakrpisyo niya lahat pati sariling pangarap para maalagaan lang ako. Kumayod siya para maitawid ang aming araw-araw na pangangailangan.
“Ako nga pala si Inspector Alyssa Ramirez at ako ang namumuno sa Women’s and Children’s Desk ng presintong ito. Itatanong ko lang kung ilang taon na ba ang kapatid mo? ”
“Kinse anyos pa po siya.” Paiyak na sagot ni Kuya.
“Alam mo naman siguro kung anon nangyari sa kapatid mo. Sinabi ko na sa’yo kanina habang tinatawagan kita sa cellphone.”
“Opo,’’ pabulong na sagot ni Kuya.
“Kaya dadalhin namin siya sa isang Shelter ng DSWD para matingnan kung gaano kalala ang trauma na hatid nito sa kanya.” Sambit ni Ma’am.
“Kuya, anong ibig sabihin niya? Hindi pa ba tayo uuwi?” paiyak kong tanong. Gusto ko rin na kasing umuwi dahil gusto ko na rin makasama ang aking kuya.
“Kung ano po’ng mkakabuti para sa kapatid ko”
“Kuya! Iiwan mo ako dito? Hindi mo na ba ako mahal?” Iyak ko sa kanya.
“Mahal kita. Pero mas makakabuti kasi siya para sa’yo. Masisiguro ko rin ang iyong kaligtasan pag nandun ka.” Palambing na sagot ni Kuya na medyo nagmamalat ang boses.
“Huwag kang mag-alala, hija. Marami ka namang makikilala du’n na magiging kaibigan mo.” Paniniguro ni Ma’am sa’kin.
“Sige na, mauna na ako. Dadalawin na lang kita du’n.” Paalam ni Kuya sa akin.
“Kuya! Huwag mo akong iwan!” Iyak ko sa kanya. Hinalikan niya na lang ako sa noo at nagpaalam na siya. Hindi na niya ako nilingon pa. Kaya umiyak na lang ako nang umiyak habang siya’y papalabas sa opisina.
Dalawang araw ang lumipas, mula ng ako’y inihabiln ni Kuya kay Ma’am ay hindi pa niya ako nadalaw sa Shelter. Ngunit sinundo naman ako ni Ma’am at pagkakita ko sa kanya ay agad ko siyang tinanaong.
“Saan nga ba ang Kuya ko, Ma’am? Bakit hindi siya dumalaw sa’kin? Sabi pa naman niya na dadalawin niya ako dito.”
“Huwag kang mag-alala, hija. Magkikita rin kayo ngayon, kapag sasama ka sa’kin ngayon sa opisina.” Sagot ni Ma’am sa akin.
“Basta magkita lang kami ni Kuya, sasama talaga ako!” Napasigaw ako sa tuwa dahil makikita ko na ang aking Kuya.
“Sige, tara na.” At agad kaming umalis sa Shelter papunta sa opisina ni Ma’am.
Nang makarating kami sa presinto ay hindi pa rin ako mapalagay sa tuwa. Makikita ko na kasi ulit ang aking kuya dahil ilang araw na rin kaming hindi nagkasama. Sa pagpasok namin sa loob papunta sa opisina ni Ma’am ay nakangiti pa rin ako. Ngunit nung nakita ko na si Kuya mula sa labas tila iba ang naging pakiramdam ko. Dahil sa kanyang mga titig na nanlilisik sa galit. Nang ako’y makapasok sa opisina, nabigla ako sa aking nakita, dahil bukod kay Jake na siyang tumulong sa’kin nung araw na natagpuan niya ako, nandun din ang ang mga lalakeng bumaboy sa aking pagkababae. Kasama ang isang matandang lalake na nakasuot ng amerikana. Naiyak ako nung makita ko sila. Bumalik kasi sa aking alaala ang kahayupan na kanilang ginawa sa akin. Pinaupo ako ni Ma’am sa kanyang tabi at nung maka-upo na, sinimulan na ni Ma’am ang pagtatanong kasama ang kanyang mga katrabaho.
“Sino sa kanilang tatlo ang nakita mong bumuhat sa kanya?” Tanong ni Ma’am kay Jake.
“Hindi ko po masyadong nakita ang kanilang mukha, pero sa tindig sigurado akong silang dalawa yun.” Tinuro ang kalbo at ang matabang lalake.
“Totoo ba ang sinabi niya?” Tanong ni Ma’am sa akin.
“Opo, silang dalawa ang bumuhat sa akin pababa ng kotse.” Paiyak kong sagot sa tanong.
“Silang tatlo ba ang gumahasa sa iyo nung gabing nakita ka ni Jake?”
“Opo! Silang tatlong po.” Iyak ko sa kanila. Napahagulhol ako sa pagsagot dahil nanariwa muli sa aking isipan ang kahayupan nila sa akin.
“Anong ginahasa?” sigaw ng payat na lalake.
“Ikaw ang sumabay sa amin nun!” sunod na sinambit ng matabang lalake.
“Nagustuhan mo nga ang nangyari, tapos ginahasa ka?” Sambit ng kalbong lalake, sabay tawa na sinundan ng dalawa niyang kasama.
“Eh, gago pala kayo!” sigaw ni Kuya sa loob sabay talon papunta sa kanilang tatlo. Sinuntok ni Kuya ang isa sa kanila at ang payat na lalake ang natamaan sa panga. Hindi napigilan ni Kuya ang kanyang galit nung panahong iyon. Gusto niya pa sanang makasuntok uli ngunit pinigilan na siya ng mga kasamahan ni Ma’am.
“Kalma lang, Junar!” sigaw ni Ma’am kay Kuya.
Napaiyak na lang ako sa mga nagyari ng mga oras na iyon. Pati nga ako gusto ko rin pagsasampalin ang tatlong iyon pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit.
“Ano ba yan? Hindi mo ba alam na pwede ka naming kasuhan niyan?” sambit ng matandang lalake na naka-amerikana.
“Kulang pa yan sa ginawa nilang kahayupan sa kapatid ko!” Sigaw ng Kuya sa kanya.
“Sigurado ka ba sa ibinibintang mo, hijo? May mga ebidensya ka ba na nagtuturo na sila talaga ang may gawa?”
“May testigo kami na makakapagpatunay sa ginawa nilang kahayupan sa kapatid ko.”
“Talaga! Sapat na basehan na ba yan para ihabla mo sa aking mga kliyente? Baka hindi mo alam kung sino ang binangga mo?” Sindak ng matanda kay Kuya.
“Wala akong pakialam kung sino man sila.” sigaw ni Kuya sa kanya.
Sa gitna ng sigawan nina Kuya at ng matandang lalake, pumasok na sa usapan si Ma’am.
“Mawalang galang lang po sa inyong dalawa. Maari po ba’ng magsitahimik muna kayo?”
“Inspector Ramirez, alam kong alam niyo ang batas. Kaya kung maari lang sana eh, pawalan niyo na ang aking mga kliyente.” Hirit ng matandang lalake kay Ma’am.
“Atorni, alam niyo rin na may reklamong ipinatala dito sa amin laban sa’yong mga kliyente. Kaya mararapat lang na ikulong muna namin sila habang hindi pa tapos ang imbestigasyon. ” Sagot ni Ma’am sa hirit ng matanda.
“Aba! Hindi mo ba kilala ang isa sa kanila? ‘Yang lalake na iyan,”itinuro ang lalakeng kalbo, “apo siya ni Koronel Villacasa.” Sambit ng matanda.
“Alam ko po iyon, atorni. Pero ang batas ay batas, at dapat lang na ipatupad ito sa tamang proseso. Lalo pa na menor-de-edad ang biktima nila.”
“Pero …” hihirit pa sana ang matanda ngunit inunahan na ito ni Ma’am.
“Sundin na lang natin ang batas, atorni. Kung talagang walang kasalanan ang iyong mga kliyente eh, makakalaya naman sila, di ba? Kaya mananatili muna sila dito sa presinto.”
Lumipas ang isang araw matapos ang mainit na paghaharap sa precinto, dumalaw si Kuya sa akin sa Shelter. Labis ko itong ikinasaya dahil gusto ko na talaga siyang makasama at nais ko ng kalimutan ang nangyaring trahedya sa akin. Ngunit makita ko ang kanyang mga mata ay napansin ko ang pamamaga nito. Sa kanyang mga titig ay halatang may mabigat siyang dinadala. Pero sa kabila ng aking napansin isang bagay hindi niya ipinagkait sa akin at ‘yun ay ang pag-ngiti niya sa akin. Niyakap niya ako ng napakahigpit at sa higpit ng kanyang yakap ay medyo napaisip na ako nu’n.
“Gagawin ko ang lahat para makuha natin ang hustisya, Lovely.” Bulong niya sa’kin, habang niyayakap ako.
“Kuya, kalimutan na lang natin ang nangyari. Umalis na lang tayo dito. Gusto ko na kasing makasama ka.” Pagmamakaawa ko sa kanya.
“Sige, kapag natapos ako nito, uuwi tayo kina Lola sa Iligan. Du’n na tayo titira.”
“Totoo ba yan? Baka hindi ka na naman babalik?”
“Pangako ko, babalik ako dito ‘pag natapos ko ‘to. Basta hintayin mo lang ako.” Ito na ang huling sinambit ni Kuya sa’kin nung panahong iyon. Pagakatapos niya hinalikan ang aking noo ay dali-dali na siyang lumabas papaalis ng Shelter.
“Hihintayin kita, Kuya! ” Sigaw ko sa kanya. Ngunit hindi na lumingon sa’kin si Kuya.
Hindi na bumalik si Kuya matapos ang araw na dumalaw siya sa’kin. Mag-iisang linggo ng mula nung araw na iyon. Napaisip tuloy ako nung panahong iyon na hindi na ako mahal ni Kuya. Hinahayaan niya lang kasi akong mag-isa ngayon, at malamang nagsasawa na siya sa kaka-alaga niya sa akin. Napakalungkot talaga nu’n para sa akin. Nawalan na ako ng gana na makipaghalubilo sa aking mga kasamahan sa loob ng Shelter. Parati na lang akong nagmumukmok sa loob ng aming kwarto.
Ilang oras ang lumipas nung araw na’yon habang ako’y nagmumukmok ay narinig ko ang ingay ng mga hakbang ng tsinelas. At ang ingay na’to ay tumigil sa pinto ng aming kwarto.
“Lovely, Lovely… may bisista ka!” Sigaw ng isa kong kasamahan sa Shelter mula sa labas ng kwarto. Pagkarinig ko nu’n ay dali-dali akong bumangon at tumakbo palabas ng kwarto, at pumunta ako sa hardin. Labis na ligaya ang aking nadama nung panahong iyon, tila sinagot ng langit ang aking mga panalangin nung mga nagdaang araw. “Sa wakas, tinutoo na rin niya ang kanyang pangako. Magkakasama na rin kami ni Kuya” Natutuwang bulong ko sa’king isipan habang ako’y tumatakbo.
Ngunit pagdating ko sa hardin, iba ang nadatnan ko. Hindi si Kuya ang naghihintay sa akin kundi si Ma’am. Medyo nadismaya ako sa nung panahong iyon. Parang totoo ang lahat ng aking iniisip – na hindi na talaga ako mahal ng aking kuya, at napapagod na siyang alagaan ako. Kaya hindi na niya ako dinadalaw.
“Kumusta ka na, hija?” Salubong ni Ma’am sa’kin.
“Saan na ang kuya ko, Ma’am?” Iyak ko sa kanya. Sa aking pagtatanong, napansin ko ang kanyang mga titig sa akin. Parang may gustong ipahiwatig ngunit sa kanyang reaksyon tila hindi niya alam kung paano niya ito sasabihin.Nanahimik muna siya ng ilang minuto. Pagkatapos ng ilang minutong pananahimik ay nagpasya siyang sabihin na sa akin.
“Huwag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko sa’yo, ha?” pakiusap niya sa akin.
Kinabahan ako nu’n, hindi lang sa kanyang sinabi kundi pati na rin sa kanyang mga titig sa akin. Halata kasi sa kanyang mga titig ang bigat na gusto niyang sabihin.
“Ano nga pala’ng nangyari sa kuya ko?” paiyak kong tanong sa kanya at nagsimula ng tumagas ang di mapigilang mga luha sa’king mga mata.
“Napatay siya ng mga kasamahan kong mga pulis?” pautal niyang sinambit sa akin.
Nabigla ako sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang reaksyon ko sa aking narinig. Tanging paghagulhol na lang aking nagawa. Niyakap naman ako kaagad ni Ma’am nung panahong iyon. Sa kanyang pagyakap ay nadama ko rin ang kanyang pag-iyak. Ilang minuto din akong humagulhol hanggang sa hindi ko mapigilan ang sarili na sumigaw.
“Bakit nila pinatay ang kuya ko! Anong kasalanan niya! Bakit!” At nagpatuloy ako sa paghagulhol habang nakayakap ako kay Ma’am. Sobra-sobrang sakit na aking nadama nung maradaman ko na ang sinabi niya sa akin. Gusto ko talagang magwala at saktan ang aking sarili.
Sa ilang minuto kong pag-iyak, pinipilit ni Ma’am na patahanin at pakalmahin ako. Tatlong minuto ang lumipas matagumpay niya akong napakalma, at sa puntong iyon ay isinalaysay na niya ang buong nangyari sa aking kuya.
“Biyernes ‘yun ng gabi nung mabaril ng isa sa aking mga kasamahan ang iyong kuya.”
“Dumalaw siya sa’kin ng araw na yan. Tapos sabi pa niya na babalikan niya ako, may tatapusin lang daw siya. Ano pa ba’ng dahilan, bakit siya napatay? ”
“Inatake niya kasi ang tatlong mga suspek na gumahasa sa’yo sa isang bar sa Tores. Nadale niya ang yung payat na isa sa mga suspek. Ginilitan niya ito ng leeg habang nasa palikuran ito. Isusunod niya sana yung apo ni Koronel Villacasa kaya lang nakatakas ito. Nanlaban kasi siya habang nasa loob ng palikuran. Hinabol ito ng iyong kuya sa labas. Ayon sa mga nakakita, gusto talagang patayin siya ng kuya mo. Sa paglabas nila, nagkataon na may mga pulis na nagbabantay sa labas ng bar, kaya nakapagsumbong ito kaagad. Itunuro niya ang kuya mo na gustong pumatay sa kanya. Agad naman nila itong nirespondehan, ngunit wala na daw sa katinuan ang kuya mo. Inatake pa rin kasi niya yung apo ni Koronel Villacasa. At natamaan niya ito sa braso. Dahil sa nakita ng aking mga kasamahan, pinutukan muna nila ito sa binti, para lang siya matigil. Ngunit tumayo pa rin siya at nagtangka na saksakin ang tao. Kaya napilitan silang barilin ito sa pangalawang pagkakataon. Tinamaan siya sa dibdib at sa di inaasahang pangyayari, napuruhan siya kaya namatay. ”
“Hindi naman masama ang kuya ko para patayin nila ng ganun-ganun lang. Hindi nga ‘yon marunong magalit!” Salaysay ko kay Ma’am.
“Alam ko naman yan, Lovely. Pero nung araw na iyon din kasi, ay hindi naka-usad ang ating kaso laban sa kanila. Kulang kasi daw tayo sa ebidensya upang patunayan na sila nga ang nanggahasa sa’yo. Wala rin daw bigat ang salaysay ni Jake ayon sa piskalya, dahil dati rin daw kasi itong pabalik-balik sa kulungan. Sa pagkatanggap ng iyong kuya sa kinahinatnan ng kaso ay nagwala siya sa loob ng aking opisina. Sa totoo lang ramdam ko rin ang sakit na kanyang nadama. Ngunit wala akong magawa, idinismis na nila ang reklamo.Mahirap talaga kapag maimpluwensyang tao ang makakalaban mo. Lahat kaya nilang gawin. Lahat kaya nilang baliktarin.” Litanya ni Ma’am sa nangyari.
Hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin nung panahong iyon. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Pagkatapos akong magahasa ngayon nawala pa ang aking pinakakamahal na kuya. Hindi ko na alam kung may silbi pa ba ang aking buhay dito sa mundo, ngayong wala na ang mga taong tunay na nagmamahal sa akin.
—
Armando B. Fenequito, Jr. studies AB Literature at the University of Southeastern Philippines. He is also a correspondent at Mindanao Times.