Nature-nature? Na!

Poetry by | July 22, 2012

Nature-nature ang gusto mo na date?
Na! wala man tayo mapala niyan, babe!

Sige, maghanap tayo ng mga shape sa clouds
pero intawon,
usok na lang baya ng mga factory
ang clouds ngayon!
Okay lang sa iyo
may pagka- brown ang cotton na makita mo?

Pag-sure diyan sa “halimuyak ng katsubong,” babe uy
sige daw, subukan mo huminga
kay halong lechon manok,
tambutso,
haplas
at sigarilyo lang maamoy mo.

Swerte na kung walang halo na ihi o imburnal

love man kita babe ba
pero alangan naman
pinturahan ko ng glow in the dark
ang mga lamok
para lang may fireflies tayo…!?

Bitaw, pwede gud tayo mag-Shrine Hills
pero kay wala na man tayong
mahanap na stars,
ilaw na lang
ng mga poste ng Davao titigan natin
para mag-horoscope..!

– babe, hindi yan mountain spring, ha
nasira lang yan na tubo ng water district.

…Kalayo man ng Marilog uy!
kung gusto mo ng breeze
sa Abreeza na lang tayo magpalamig

Bitaw, babe
sa Abreeza na lang gud tayo, uy
may garden-garden bitaw dun…

(Update: ginatulungan ako
ng music ng mga jeep
na kalimutan yung ingay ng gangis
pag-break natin)


Born in Kidapawan, Karlo Antonio G. David was a fellow at the 2011 Iyas Creative Writing Workshop in Bacolod and the 2012 Silliman National Writers Workshop in Dumaguete. He is a regular contributor to Dagmay.

One thought on “Nature-nature? Na!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.