“Nais kong ilibing sa maputlang papel na ito
Lahat ng nagawa nating kwento.
Lahat ng kabanata ng ating samahan.
Ang saya. Lungkot. Hinagpis.
Pagtataksil. Ang pagtangis.
Iluluha ng aking panulat ang lahat ng
Pasakit na hindi kinilala ng aking mga mata.
Ililibing ko sa pirasong papel na ito
Lahat ng bubog ng nasira nating samahan
Upang tumahan na ang nagdurugo kong puso.
At pagkatapos, iiyak ako sa pamamagitan ng panulat ko.
Hindi mo ako makikitang tumatangis.
Ang mamasdan mo lang ay ang puntod ng letrang
Pinagtagpi-tagpi ko upang buuin ang lapida
Ng yumao nating samahan.
Isang beses lang akong magtatapat
Ng aking tunay na nadarama.
At ililibing ko iyon sa isang piraso ng maputlang papel.
Kasama ka at Kasabay ng isang pangako:
Ito na ang huling patak ng tintang
iaalay ko para sa iyo.โ
—
Si Djamyla D. Millona ay nag-aral sa Ateneo de Davao University at kasalukuyang nagtatrabaho sa DILG.
I wish I wrote this!
Coming from you Karlo, that’s a great compliment. Thanks!
One o the strongest poems I’ve read here, I should say. ๐
Thanks Gino!
Brave, frank, and deeply rooting – straight to the heart, it penetrates. ๐