Ang umuusok mong init
Ang siyang umakit sa akin
Na ika’y aking tikman
‘di baleng bibig ko’y mapaso
Mula sa iyong naglalagablab na init,
Malasap ko lang ang taglay mo’ng sarap
Pero dumaan ang ilang minuto
Napagtanto ko na mas malalasap ko
ang iyong sarap kung init mo’y tama lang,
Kaya mas mainam na hihintayin ko na lang
Ang sandaling pwede ka na
Sa sandaling ako’y naghintay
Hindi ko namalayan –
Dahan-dahan ka ng lumalamig
Pero dahil ayokong masayang ka,
pinagtiyagaan na lang kita,
baka sakaling pwede pa?
Ngunit sa aking paglasap,
Sarap mo’y nawala
Mula na’ng init mo’y naglaho
—
Armando Fenequito, Jr. is a third Year Bachelor of Arts in Literature student of University of Southeastern Philippines.