Editor’s Note: In celebration of International Women’s Month, Dagmay is featuring a series of monologues about the status of women in Davao. These are creative works based on interviews with real women.
Character:
Afya: 18 year-old attractive woman. Wears hijab and loose clothes.
Setting: Inside a bedroom with an electric fan.
(A male voice is overheard) “Afya ha, dito ka lang talaga yan sa bahay. Hindi na maglabas muna. Basta, bantay ka lang talaga kapag makita na naman kita yan sa labas kasama yun si Tarhatta! Afya ha?”
(No one answers. Then Afya enters and slams the door.)
(male voiceover): “Afya?! Afya! Tai babuy Ini! Afya!”
AFYA: (shouting) Owai ba Ama! Hindi lagi ako mag labas-labas uy!
(muttering to self) Sige na lang balik-balik uy. Hindi lagi ako maglabas ba. Hindi lagi uy. Kahit gud gusto ko gud magpunta doon sa kaibigan ko kay manood kami nitong No Other Woman ba. Kinuha ko pa naman ito sa pwesto ni Ina kahapon sa palengke. Buti na lang kay nag- alis si Ina kay mag sambahayang siya nung tanghali na yun. Ako na lang muna gipabantay niya kaya yun, nakuha ko tong DVD. Gidugo man gud ako nun ba. Hindi pa talaga sana yun siya maniwala. Saka na siya naniwala nung nakita niya na nalapsan ako. Pero pag wala ako giregla nun, ngek! Pilitin ako mag sambahayang ba!
Pero OA din talaga yan sila Ina ba. Kaisa nun no, nagsama man ako nun kay Ina sa pwesto. Tapos sinarado niya muna talaga yung pwesto namin kahit sabi ko gud na ako na lang magbantay kay may lagnat ako. Masama pakiramdam ko kaya hindi na lang muna ako mag sambahayang. Sabi niya pa no,
(in mother’s voice): Hoy Afya! Di ka dun pag atik-atik ha! Alam ko yan, wala ka sakit. Ayaw mo lang yan mag sambahayang. Pareho lang kayo yan ng mga kapatid mo! Nagahanap lang kayo ng lusot para di maka-sambahayang!
AFYA: Pero totoo man yun ba, may lagnat man talaga ako nun. Minsan kay nagaatik man talaga ako. Pero minsan lang man din uy. Hindi man din parati. Pinilit ko man talaga si Ina na hindi na lang gud muna ako mag sambahayang. Nagalit agad siya. Bakit tamad daw ako masyado mag sambahayang na kalapit-lapit lang daw ng masjid. Isumbong nya daw talaga ako kay Ama. Wala akong nagawa uy, nag-sambahayang na lang talaga ako. Pero tama bitaw si Ina uy, wala bitaw talaga akong lagnat nun. Kapoy lang talaga mag sambahayang nung tanghali na yun ba. Mainit man kasi talaga nun.
Pero parati niya talaga yan ginasabi na pareho lang kaming tatlo na magkapatid ba. Ngek, asan daw pareho kami uy? Hindi man gani nila gina-pilit si Toto na mag sambahayang. Kahit yan, wala lang gud yun siya ginagawa sa bahay kundi matulog sa duyan at saka magpakain sa mga manok niya. Tapos ako no, kahit wala pa gud natapos yung mga pinalaba nila sa akin, pag marinig na yan nila yang bang gud galing sa masjid, ipaiwan talaga yan nila sa akin ang mga nilabhan ko ba. Mainit na gud yan pagbalik ko ng tanghali. Mahirapan na ako. Saan man daw ang ginasabi ni Ina na pareho kami uy? Tingnan mo yan ngayon, si Toto, nagsama na naman sa mga barkada niya nag laag-laag sa pueblo. Ako? Eto, nasa kwarto lang pa rin. Walang magawa. Kainit pa talaga uy.
(turns on the electric fan)
Nah uy, wala man ako magawa. Buti pa nagsama na lang ako doon kay Ina sa pwesto ba. Makaalis pa ako dito sa bahay. O kaya… Magtakas na lang kaya ako no? Para mapanood namin ni Tarhatta itong No Other Woman.
(hijab is removed because of the wind from the electric fan)
Nah, Subahanallah! Natanggal na tuloy ba. Kung makita ako ni Ama na hindi suot ito, ipasok talaga ako nun sa sako ba. Bakit kasi kailangan ko ito suotin uy? Para hindi daw makita ang buhok para walang temptasyon? Para daw walang mambastos sa akin? Ngeks uy! Marami pa man din gani mag taghoy sa akin ng weet-weew at saka mag hi miss-hi miss sa akin kahit na suot ko itong hijab. Saan naman ang ginasabi nila na wala daw temptasyon uy? Pataka lang talaga.
At saka kung suot ko ito, samok lang talaga ba kay ang mga tao sige lang tanong. Marami talaga yang tanong uy galing sa iba-ibang tao. Sabi pa yan nila:
May kanser ka ‘no?
Unsa nimo sila Ampatuan?
Abu Sayyaf imong Papa, ‘day?
Tig-baligya ka’g dibidi sa palengke?
Samok uy. Sige lang talaga yan tanong tapos mag tawa-tawa pa talaga yan sila. Samok sila talaga ba. Pero mas samok talaga itong hijab. Kay kung wala ito, hindi man yan sila mag tanong-tanong. Pero dahil sabi man ni Ama at Ina na dapat ko talaga itong suotin kay ilagay daw ako ni Allah sa nar’kah, tapos masunog daw ako doon, suotin ko na lang ito parati. Bakit kasi kailangan pa itong hijab uy, malaman tuloy nila agad na Muslim ako. Na Maranao ako. Tawanan lang ako ng mga tao. Dibidi girl daw ako. Moklo daw ako.
Okay lang man dito sa bahay ba. Okay lang… Kapag wala lang din si Ama. Istrikto man kasi talaga yan si Ama ba. Hindi niya talaga ako yan payagan mag labas-labas ng bahay. Hindi ko daw kaya sarili ko kasi babae ako. Baka daw ma-rape lang ako. Grabe naman din yan ma-rape uy! Tanghali tapos ma-rape?! Mag sure sila diyan uy. Mag-alis na lang siguro muna ako uy. Wala pa man din si Ama.
(Walks towards the door then turns around and sits down.)
Pero wala man ako magawa uy. Kailangan ko man makinig sa kanila. Dito na lang ako sa bahay uy. Dito na lang ako. Bahala na.
(Picks up the hijab.)
Ito na naman, suotin ko na naman itong hijab. Hay kakapoy. (Puts the hijab on.) Ganito man kasi yan o. Isukat mo muna yang dalawang dulo no para magpantay. Tapos, ipalibot mo yan kaisa sa ulo mo itong isang dulo gud, tapos i-pin mo na yan. Tapos itong isang dulo na nagbitay gud, pabayaan mo lang yan siya. Ito tinuro sa akin ni Ina ko. Meron man din iba na pagsuot nito pero ito talaga nakasanayan ko.
(Looks at her reflection in the mirror)
Ayan, tapos na! Pangit no kay hindi pantay? Pero, mas okay na to uy kaysa yung ninja-ninja. Hindi talaga makita mukha ko. At saka, kainit lang nun! Nasanay naman ako magsuot nito. Okay naman. Pero, tanggalin ko lang man din siguro ‘to uy. Gusto ko man. Pero makonsensya din baya ako pag magalit talaga sila Ama sa akin tapos sabihin niya makahiya na daw sa kanila kay ginarespeto daw sila ng iba naming kamag-anak. Ayoko man din na mapahiya sila. Pero makainggit man kasi talaga ba. Lalo na gud yung mga fashion-fashion gud na makita ko sa t.v. Marami gud talaga ako niyang magustuhan gud na mga damit. Marami akong gustong suotin pero hindi pwede kay bawal daw. Dapat daw parati mag long sleeves ako at pantalon lang pag maglabas ng bahay. Pero bakit gud pala uy? Ewan ko uy.
Pero pag minsan no, ginatanggal ko baya talaga itong hijab ba. Lalo na pag sa skul gud tapos maglaro kami ng milo-milo at Chinese garter. Samok man gud, hindi ako makatalon nang maayos.
Pero wag ka talaga maingay niyan kay Ama ha. Nah, ipasok talaga ako sa sako. Hindi ka maniwala pero ilang beses na din ako nun napasok sa sako ba. Makagulat gani kay nagkasya talaga ako. Meron yung kaisa ba na nag sama-sama gud ako sa kapitbahay namin na si Jules na magtingin lang gud sa Parokya ni Edgar, kay andoon man sila sa mall sa pueblo. Pag-uwi ko, nah! Nag sigaw-sigaw siya pagkita niya sa akin sa gate. Tai iru daw ako. Yang tae gud ng aso. Paminsan din tae ng baboy daw ako. Parati yan ang ginatawag niya sa amin ng mga kapatid ko. Sabi niya pa no,
(in the voice of Ama): Afya! Tai babuy Ini! Bakit wala ka yan nagpaalam! Gabi na ha!
AFYA: Nagpaalam man ako kay Ina. At saka, hapon pa man din Ama, alas sais pa man gani o. Grabe ka din Ama uy.
Ama: Ayy! Mag sagot-sagot ka pa yan ha! Tai babuy Ini! Basta ikaw yan Afya!
AFYA: Mas lalo siya nagalit nun ba. Kinuha nya talaga yung walis tingting tapos pinalo ako. Totoo man din uy, hapon pa man yun. May araw pa gani kaya lang nasa may gilid na siya ng bundok at saka naga orange-orange na siya. Pero hapon pa man yun, hindi pa man yun gabi uy.
Pag palo niya sa akin nun, wala man ako nag-iyak. Wala lang gud, nagtayo lang ako doon habang nagasabi ako sa kanya na tama na. Pero di man siya makinig. Wala lang din ako, kahit masakit, nagpigil talaga ako uy. Tapos nagtanong si Ama ko nun kung sino kasama ko at saan kami nagpunta. Nung sinabi ko na si Jules tapos nagpunta kami ng mall kay andoon ang Parokya ni Edgar, mas nagalit siya ba. Pinasok niya talaga ako sa sako. Sabi niya na bigaan, igat daw ako. Bakit daw ako mag sama-sama sa lalaki. Sa lalaki pa talaga daw na hindi Muslim. Ano ko ba daw si Jules, asawa na mag sakay-sakay ako sa likod ng motor niya?! Tapos bakit daw ako mag idol-idol nyang mga rakizta na yan. Wala daw mga kwenta yun na mga tao at saka bawal daw yan sa Islam. Sabihin ko sana ba na hindi man yun rakizta ang Parokya ni Edgar uy pero wala na ako magawa. Pinasok niya na ako sa sako. Sabi niya pa na makasira lang daw ako sa kanya bilang Imam, ‘yang pari gud sa Islam. Igat daw ako. Kababata ko man si Jules ba. Kami man talaga yan naga laro-laro kahit nung bata pa kami. Pero mas lalo talaga nagalit si Ama ba. Haram daw yan mag sama-sama kay Jules. Kafir daw iyan siya, hindi daw maniwala kay Allah kaya hindi dapat talaga ako mag lapit-lapit sa kanya. Alam ko man talaga na pagalitan ako ni Ama nun. Pero nagsama talaga ako uy. Kaibigan gud talaga kami niyan ni Jules. Bakit man din daw magalit si Ama nun ba? Kaibigan lang man din. Bawal pala iyan?
Pagkatapos nun no, hindi na din nagapamansin si Jules sa akin. Siguro may nagsabi sa kanya na mga kakilala namin na naga daan-daan nun nung pinagalitan ako ni Ama. Fourteen pa man hinoon ako nun. Pero, hangang ngayon na eighteen na ako, hindi ko talaga yun makalimutan. Hindi ko siguro talaga yun makalimutan.
Bakit man kasi maraming bawal uy? Kung tanggalin ko pala itong hijab ko? Kung idol ko pala ang Parokya ni Edgar? At saka kung mag sama-sama pala ako kay Jules? Kung mag labas pala ako ngayon para manood ng No Other Woman kanila Tarhatta? Bakit man marami bawal sa akin? Kay dahil Muslim na babae ako?
Pero, sige na lang uy. Wala na man ako magawa. Suotin ko na lang talaga itong hijab. Ayoko na mapasok ulit ni Ama sa sako. Malaki na ako, makahiya na. At saka baka hindi na ba ako magkasya. Nah, saan naman niya ako ipasok? Sa bodega? Yay, kadilim lang doon. Bahala na uy. Magsunod na lang ako sa anong ginasabi nila na ginasabi ng Quran. At saka matakot ako kay Ama, baka totohanin niya pa na ipakasal niya ako doon sa anak ng kakilala niya na Imam rin na si Khalid. Ngek! May asawa na baya yun! At saka pangit kaya yun no! Pero…boring naman talaga dito uy. (Peeks out the door) Parang wala pa man yun si Ama uy. Matagal pa siguro yun magbalik. Maglabas na lang lagi ako uy. Magpunta talaga ako kanila Tarhatta kay manood kami ng No Other Woman. Wala pa bitaw siya. Kung makita nya ako sa labas… Bahala na! At least nakapanood kami ng No Other Woman ni Tarhatta.
(leaves the room and slams the door; the Bang, or call to prayer is heard in the distance.)
—-
Dorado, Ladjiman, and Macla are taking up BA English-Creative Writing in UP Mindanao.
I love the Mindanao Filipino in this! And it’s very insightful into the life of a young muslim woman!