Super-Swerteng Uyab

Poetry by | November 6, 2011

Habang ginahalikan mo ang leeg ko
O binatang galing Boston,
Alamin mo
(Kahit hindi ka maka-Tagalog)
Na iyo’ng iyo ang puso
nitong classmate mo sa BM

Mabuang ako, babe
sa mozzarella mong buhok,
sa sugar coated mong eyes,
pati sa bubblegum mong breath.

Ah! I-kiss mo
Gamit ‘yang rosy lips mo
Itong mga santan kong ngabil
Nang sila’y maging roses din!

(Halikan mo rin
Itong nose ko
Kay baka mag-tangos pa…)

Hindi pan de sal
Itong six pack mo babe, hindi
– walang bakery
sa Bangkal man or Bansalan
ang may bentang
‘sing puting pan de sal-

Hindi ‘to pan de sal,
Kundi makikinis
At matatamis
Na mga blocks of
White chocolate

Ah! Kasarap na white chocolate!
Imported!

-basain mo ako, babe
Sige, ilabas mo!
Basain mo ako niyang
Iyong whiteness
Hanggang sa pumuti din ako!

At sigurado jud
Hindi magagalit sina papang
Kung malaman nilang
Gi-absent natin yung klase
Para gawin mo akong
sweetheart

… dahil sa iyo
Pati sila
Hindi na magugutom

Ah! Sige!
Dalhin mo ako
Sa iyong mundo ng tamis at flowers,
Doon sa paradise
ng kinalakihan mo’ng Boston

…at dalhin mo na lang din
Ang pamilya ko.


Karlo Antonio David is a regular contributor to Dagmay.

8 thoughts on “Super-Swerteng Uyab”

  1. I super-like the sexiness of this poem, bay. The juxtaposition of English and ‘Davao-Filipino,’ (or what’s the more accurate term for that?) is superb. You know what you are doing and you are doing it well. Fun read.

  2. Tama lang ang Davao Filipino, Ioannes. Thanks for the comment. The use of Davao Filipino is a project I’m beginning!

  3. Yup! I went to Boston and I remembered you and this poem. Boston is beautiful 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.