Tauhan:
Guro, lalake, 23, payat, Religion teacher.
Mommy, 39, manikurista na liberated at matalino.
Lugar:
Ang guro ay naghihintay sa Prefect of Discipline’s office. Siya ay nakaupo sa harap ng kanyang mesa. May crucifix sa nakasabit sa dingding at bookshelf sa kaliwa ng mesa.
Mother: (sisilip sa opisina) Ay! Ang cute! (lalapit sa guro at sisikaping maging pormal) Teacher, ano ba ang problema ng anak ko? Diyos ko! Nagmamadali pa naman akong pumunta dito, yung mga customers ko, iniwan ko pang basa ang mga kuko.
Teacher: Good afternoon, Mrs. de los Santos.
Mother: Ms. na lang po. Teacher,ano nang nangyari sa anak ko? mababa ba ang grades niya? Natutulog ba siya sa klase? Binubully ba siya o siya ang binu-bully? Binugbog mo ba siya o ikaw ang binugbog niya?
Teacher: Ma’am, relax lang po. Ahm…sit down, please. Can I offer you something? Coffee? Orange juice…
Mother: (Uupo) Masyadong pambata ang juice. Beer. Pwede ba ang beer dito? Ay! Oo. CATHOLIC SCHOOL. Sige, iced tea na lang (kukuha ang guro ng baso) Teacher! With ice.
Teacher: (Ibibigay ang baso) Kasi po…ma’am…
Mother: Teacher…
Teacher: Ma’am…
Mother: Teacher…
Teacher: Ma’am…
Mother: MAGSALITA KA, teacher!
Teacher: Ma’am…kasi po…eh…eh…wag po kayong mabibigla (inilabas at ipinakita ang pornographic magazine kay Mommy) Dinala po ito ni Sonny Boy sa klase…Ito po ma’am…
Mother: (Bubuklatin ang magazine para makita ng audience ang cover) Ito lang?
Teacher: Ma’am? Ma’am! Huwag po kayong mahihiya na ipakita ang galit niyo sa anak niyo, ma’am. Naiintindihan ko po kayo. Pagtulungan po nating baguhin ang ugali niya.
Mother: Ha? Babaguhin? Aah, ito ba? Teach, ano ka ba? Nag we-wet dreams ang mga lalaki. Part of growing up. Duh?! Nagkakaganyan ka rin, di ba?
Teacher: Ah…m-m. (Sisikaping maging pormal) Ma’am, di po natin dapat hinahayaang makarating sa kanilang mga kamay ang ganyang klaseng…ka…ka…kalaswaan. We shouldn’t let them be exposed to this kind of corruption. Anong mangyayari sa anak niyo? Sooner or later…(magsa- Sign of the Cross)
Mother: Sooner or later…malalaman din nila ang mga ganyang bagay. Kung nag-eexplore na ngayon, hala! Go!
Teacher: Ma’am, (mahinahon) Sex is sacred! Ang katawan po natin ay banal. Ang katawan ng tao ay tahanan ng Espiritu Santo. Kailangan po nating respetuhin.
Mother: Eh ba’t di ka na lang magturo ng proper sex education?
Teacher: Mas lalo lang silang maku-curious pag tinuruan po natin sila ng sex education. Magtataka na lang kayo, mawawala si Sonny ng ilang araw, tapos uuwing may dalang babae, not just one but two…at parehong buntis!
Mother: eh over ka naman kung mag-isip teacher. Grade six pa lang po anak ko. Hindi pa nga nagkakahair yung…
Teacher: Ang ibig ko lang naman po sabihin ay iniiwasan po ng school natin na mauwi ang mga bata sa PMS.
Mother: anong PMS?
Teacher: Pre-Marital Sex!
Mother: (mahinahon) ah, kala ko Pedicure Manicure Service. Naku teacher, baka sa sobrang holy ng mga bata ay lahat sila mapupunta na rin sa PMS.
Teacher: PMS?
Mother: Pinoy Missionaries Seminary!
Teacher and Mother: Joke!
Teacher: Basta po maam ha, huwag po nating hahayaang makarating sa mga bata ang masamang impluwensiya. Gabayan po natin sila ng tama. Patnubay ng magulang ay kailangan.
Mother: Kaya nga dapat natin ipaalam sa kanila na hindi candy ang condom. Eh di ba may flavor yun? Chocolate, strawberry, banana…
Teacher: ah, maam, puwede paki-tone down lang nang konti yung pananalita niyo?
Mother: Eh yan naman ang hirap sa inyo eh, halos lahat na lang pinipigilan ninyo at lahat na lang ng gagawin ng mga bata, iniisip niyong masama, eh wala naman kayong ginagawa para itama ang mga mali nila.
Teacher: That’s not true…
Mother: at ang kikitid pa ng mga utak ninyo, masyado kayong conservative. Ano kayo? Cave man? Nagtatago sa cave? Hiya-hiya effect? Nagpipigil-pigil hanggang sa mabaog? Lagi niyo na lang tinuturing na isang malaking kasalanan ang pakikipagtalik. At ayaw niyong turuan ang mga bata ng sex-ed. At pag nagkabulilyaso na, sinong sisisihin niyo? Kaming mga magulang! Kami na ngang nagpaaral, kami na ang nagbabayad ng mahal na tuition, kami pang masama…
Teacher: Ma’am! Please po, please…magretreat at magnilaynilay po kayo for THIRTY days! Or else…
Mother: Or else…what?
Teacher: I-recommend ko na talaga ang anak niyo for suspension! I’m a Catholic teacher in a Catholic school in a Catholic country. Ano ang sasabihin ng ibang parents? Ok, ma’am, please apologize. I’ll take it.
Mother: Never! (Kukunin ang magazine sa mesa)
Teacher: (Aagawin ang magazine) Leave that with me.
Mother: At bakit? Eh, pera ito ng anak ko….humanap ka ng sarili mong magazine!
Teacher: Hindi ako masamang impluwensiya tulad mo. Tingnan mo nga yang suot mo, sobrang ikli, mukhang Children’s Wear!
Mother: Walang kinalaman ang damit ko sa isyu! Dito ako komportable! Alangan namang ipag-wedding gown mo ako.
Teacher: (aagawin ang magazine) Wala na kayong sinabing tama. Itikom niyo nga ang bibig niyo.
Mother: (aagawin ulit ang magazine) Never!
Teacher: (hihilahin ang magazine) Akin na yan! Huwag kang maghasik ng lagim!
Mother: (bibitiwan ang magazine) Fine! Kunwari ka pa. SA’YO NA YAN! Gusto mo rin naman pala. (aalis)
Teacher: (itatapon ang magazine) Echusera!
Mother: (Titingin ulit sa guro) What?!
Teacher: God Bless PO!
Lalabas si Mommy. Bubuksan ng guro ang drawer sa mesa at kukunin ang sariling gay magazine. Bubuklatin niya ito at ang mga larawan ay makikita ng audience habang masaya siyang tumitingin. Maya-maya, kukuha siya ng Religion book, bubuksan at ipapasok sa loob nito ang magazine para maitago habang nagbabasa.
—-
Freidreich Simon Layno and Hazel Meghan Hamile are taking up BA English-Creative Writing in UP Mindanao. Layno was a fellow at the Davao Writers Workshop this year.
NICE ONE!!!