Sakit ng Kalalakihan

Poetry by | February 14, 2010

Gano kalayo ang milya,
Na kailangan kong tahakin,
Upang ikaw ay makita,
Upang muling kausapin,
Upang muling masilayan,
Mata na umakit sa akin
Upang muli kong masabi,
Alab ng aking damdamin.
Gano kahaba ang araw,
Na kailangang padaanin,
Na kailangang palipasin,
Upang ika’y makapiling?
Laman ng aking dalangin,
Palagi mong iisipin,
Di mo man ako piliin,
Ikaw lang ang iibigin.

—-
Jhunorjim Caumbo Zandueta is a Computer Engineering Student at ADDU.

4 thoughts on “Sakit ng Kalalakihan”

  1. Nice, Jim!

    Though medyo obvious ang title. Mas-interesting sana kung hindi specified ang gender (mas-adik kaya sa love-life ang girls!).

    What about “Sakit ng Kabataan” or something like that?

    Keep writing, though!

  2. That makes sense, then!

    Totoo nga ang sabi ni Oscar Wilde:

    “A Poet can survive anything but a misprint!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.