May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo…
–Amado Hernandez
Musmos pa lamang nang aking isinaulo
Ang obrang tula ni Ka Amado;
Mga titik nito’y idinambana sa isipan,
Medalya’y nasungkit mula sa paligsahan.
Ilang taon pa’t kamalayan unti-unting nagising
Bakit luha ng bayan ay hindi maampat;
Ang bayan ko’y alipin, hindi ng ibang lahi,
Ang bayan ko’y busabos ng kapwa kayumanggi.
Sino ang kakapitan?
Kapitalista, pulitiko, gobyerno ay iisa;
Bingi sa panaghoy ng lugaming bansa
At ng katarungang inilibing sa hukay.
Ngayon, mga luha mo’y said na at tuyo
Sa harap ng nagbabagang apoy ng mga sulo;
Habang ang mga mata’y nakatuon sa nahukay na mga biktima
Sa malayong bayan ng Shariff Aguak.
—-
Vangie Dimla-Algabre teaches at Ateneo de Davao High School.
good poem.
pero naputol ang good rhyming scheme sa last line.