Ina

Poetry by | August 16, 2009

Tahimik at malamig ang umaga.
Walang humpay ang ulan
Sa iyong paglisan.

Puso nami’y nagluluksa,
Ngunit bakit ang orkidyang dilaw
Higit pang tumingkad?

Baunin ang pasasalamat
Ng bayang nabigkis
Isang araw ng Pebrero.

Sa iyong paglalakbay
Tungo sa mga bituin
Yapusin kaming muli
Ng bagong pananalig.

Paalam,inang minamahal.

—-
Vangie Dimla-Algabre teaches at the Ateneo de Davao High School.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.