Tulad nang ipinataw ng taglamig
Sa mga pontanya ng syudad,
Itinigil niya ang pag-agos ng galak
Sa katawan kong sabik sa init-araw.
At kung may gunita mang pangahas
Na dadaloy sa isipa’t
Liligwak sa mga labi’y
Sasalukin niya maging
Ang madalang na mga patak
Upang pagkatapos ay papagyeluhin,
Patutulising tila mga estalaktita
At iuumang sa pandamdam.
—-
Edgar Bacong finished AB Sociology from Ateneo de Davao University and lives in Zurich, Switzerland.